PH, Japan nagkasundo na palakasin ang ugnayan ng depensa matapos ang 2+2 na pag-uusap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinahangad ng Pilipinas at Japan na palakasin ang kanilang pangkalahatang ‘defense relations’ kasunod ng inaugural 2+2 talks na ginanap sa Tokyo noong Sabado.

Ang mga foreign at defense minister ng dalawang bansa ay sumang-ayon na dagdagan ang mga pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kapasidad at kakayahan, paglilipat ng mas maraming defense equipment at technology, at patuloy na pakikipagtulungan sa mga naunang inilipat na defense equipment, bukod sa iba pa.

Ayon sa Japanese Ministry of Foreign Affairs, nakahanda rin ang dalawang bansa na “simulan ang pagsasaalang-alang” ng mga framework para mapadali ang reciprocal visits pati na rin ang magkapalit na probisyon ng mga supply at serbisyo upang palakasin ang pakikipagtulungan ng Japan Self-Defense Forces at Armed Forces of the Philippines.

Going forward, the Japanese side will proceed with deliberations, including on the possibilities of concluding a reciprocal access agreement and an acquisition and cross-servicing agreement,” sabi nito.

Sa magkasanib na pahayag na inilabas ng Pilipinas, sumang-ayon din ang apat na ministro na pahusayin ang kooperasyon sa Sulu-Celebes Seas at sa kanilang mga nakapaligid na lugar sa larangan ng maritime safety, connectivity enhancement, human resources development, anti-piracy, counterterrorism, at pag-iwas sa marahas na ekstremismo.

Muli rin nilang pinagtibay ang kahalagahan ng suporta sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa, nagpasya silang palakasin ang bilateral na kooperasyon sa pagtataguyod ng seguridad sa ekonomiya pagkatapos ng sama-samang pagtutol sa “economic coercion” bilang paraan upang makamit ang mga layuning pampulitika.

Ang kauna-unahang Philippine-Japan Foreign and Defense Ministerial (2+2) Talks sa Tokyo ay inilarawan bilang isang makabuluhang milestone na naglatag ng batayan para sa susunod na dekada ng decade-old Strategic Partnership ng dalawang bansa.

We have achieved a substantive clarification of all the issues and in many of them produced consensus. The security ties we are developing are much less than those of an alliance but much more than a cordial relationship,” wika ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang pangwakas na pananalita.

Sa mga pag-uusap, kasama ni Locsin sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi, at Japanese Defense Minister Nobuo Kishi.

LATEST

LATEST

TRENDING