DILG nais ang muling pag-activate ng task force vs. vote buying

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nananawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa muling pagsasaaktibo ng Task Force Kontra Bigay (TFKB) na naglalayong tugunan ang mga ulat ng pagbili ng boto.

Sa isang briefing sa Laging Handa nitong Lunes, sinabi ni DILG undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na ang pagbili ng boto sa panahon ng halalan ay isa sa pinakamalaking dagok sa demokrasya ng Pilipinas.

Sinabi ni Malaya na ang Task Force Kontra Bigay ay unang naisaaktibo noong 2019 midterm elections ngunit ipinatupad lamang sa antas ng probinsiya.

Para sa pambansa at lokal na halalan sa 2022, iminumungkahi ng departamento ang pag-activate ng task force pababa sa antas ng munisipyo.

“Ngayong 2022 inaasahan ng DILG na kaagad agad ay maaprubahan na ng Comelec ‘yung resolution reconstituting and reactivating the Task Force Kontra Bigay sa tingin ko naging matagumpay ito dahil meron tayong 356 violators who were accosted by the dedicated anti vote buying teams of the PNP at meron tayong PHP12 million vote buying money that was confiscated which served as evidence,” wika ni Malaya.

Aniya, ibe-verify ng ahensya ang katayuan ng mga kasong isinampa laban sa mga taong napagbintangan dahil sa pagiging sangkot sa mga aktibidad sa pagbili ng boto noong 2019 na halalan.

Ang inter-agency na TFKB ay binubuo ng Comelec, Department of Justice, Presidential Anti-Corruption Commission, DILG, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines.

Sa pakikipagpulong sa Comelec, sinabi ni Malaya na ipinaalam sa kanila na ang resolusyon ay ipapasa sa Miyerkules at susunod na pagpupulong kasama ang mga miyembro ng task force pagkatapos ng Holy week.

I hope we can also focus on the prosecution of these people so that our countrymen can see that we are serious in our steps to prevent or at least reduce vote buying in our country,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Seksyon 261 ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto.

Sa isang pahayag, nagbigay ng babala si Interior Secretary Eduardo Año sa mga kandidato sa halalan laban sa pagbili ng boto at hinikayat ang publiko na magsumite ng kumpletong hanay ng mga ebidensya na magtuturo sa mga gumawa ng ilegal na gawain.

The authorities should also tighten their vigilance on any kind of vote buying and most importantly, when our concerned citizens send reports, they will hopefully be complete details,” wika ni Año.

“Kasama tayo sa TFKB at titiyakin natin na maisasagawa ang mandato nito. Wala tayong pipiliin kahit sinong kandidato ito, we will go after them,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING