DA naglaan ng P7-M na tulong para sa mga magsasaka, mangingisda na apektado ng Taal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng PHP7 milyong halaga ng tulong para sa mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na naapektuhan sa mga pangyayari sa Bulkang Taal kamakailan.

Sa naitalang Talk to the People na ipinalabas noong Miyerkules, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na naglaan sila ng tulong para sa 1,561 na magsasaka at mangingisda, kung saan ang ilan ay inilikas na sa barangay Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

Ang ating pong (Our) regional offices at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naghanda ng PHP7 million na handa po nating ipamigay,” aniya.

Kasama sa tulong ang 1,401 sako ng inbred seeds, 500 kilo ng glutinous corn, 250 kg ng iba’t ibang vegetable seeds, at 1.5 milyong tilapia at fingerlings.

Ngunit sakaling magkaroon ng disruptive eruption, sinabi ng DA na maaari itong maglaan ng hanggang PHP200 milyon bilang karagdagang tulong mula sa quick response fund ng departamento.

Bukod dito, binigyang pansin din ni de Mesa ang iba pang mga programa na may mga badyet na ipinamahagi mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Inilabas na po ng DBM ‘yung ating PHP500-million fuel discount program at ‘yun pong ating Rice Farmers Financial Assistance ngayong taon na nagkakahalaga po ng PHP8.9 billion. Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ng Taal Volcano,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING