Duterte sa PDEA: Magbigay ng drug war report sa human rights groups

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bigyan ang mga human right group ng kopya ng ulat sa anti-narcotics campaign ng gobyerno.

Sinabi ni Duterte na kailangang makita ng mga human rights organization na kritikal sa kasalukuyang administrasyon ang ulat ng drug war para maliwanagan sila tungkol sa bigat ng problema sa droga sa bansa.

Itong batikos nang batikos sa gobyerno, I suggest that ‘yung lahat or pati PDEA, if you are listening now, magbigay kayo ng isang report lang siguro PDEA, lahat ng datos na ibigay ng mga different law enforcement agency at ibigay sa Human Rights (groups),” aniya sa isang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Martes ng gabi.

Inilabas ni Duterte ang direktiba matapos ipaalam sa kanya ni Interior Secretary Eduardo Año na nasamsam ng mga anti-drug operatives ang iligal na droga na nagkakahalaga ng PHP453,203,447 mula Marso 20 hanggang 26 lamang.

Sinabi rin ni Año na nasa 1,627 drug personalities na ang naaresto sa isinagawang anti-drug operations noong nakaraang linggo.

Sinabihan ni Duterte ang mga kritiko ng drug war na pag-aralan ang ulat.

Kaya maintindihan nila ako kay – eh kay kung pag-aralan mo lang ‘yang distribution na ‘yan umabot dito tonelada, ilang Pilipino sa araw na dumadating, maghithit ng – bibira nang bibira sa shabu. Iyan na lang ang tandaan nila. Kaya minsan nandito kayo sa Pilipinas, ‘di mag-aral kayo. You can have access to all available information regarding the situational condition ng aking bayan,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na ang human rights advocates, lalo na ang mga humiling sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang kanyang anti-narcotics drive, ay dapat na maunawaan na ang paggamit ng ilegal na droga ay “lubhang nakakasira sa katawan ng tao”.

Ikinalungkot din niya na ang banta ng droga ay nananatiling problema kahit na ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas ay “double-time” na nagta-trabaho upang matugunan ito.

Ibigay ninyo ang kopya ng ilang toneladang shabu araw-araw na dumadagsa sa Pilipinas and let them ponder on the number of Filipino, iyang younger generation, itong mga ecstasy, iyong mga tawag nila na mga cocktail ano para nila kung gaano talaga kabigat (ang problema),” wika ni Duterte.

Nagpahayag siya ng optimismo na matanto ng mga kritiko ang kabigatan ng problema sa droga sa bansa.

Muling nag-alala si Duterte sa posibleng muling pag-usbong ng ilegal na droga.

In spite or despite our talagang double-time na ano, marami pa rin (drug shipment). Iyang tonelada na ‘yan, ewan kung nakapasok ‘yan (sa bansa), it will be distributed all throughout the country and fundamentally, it is really something that is very, very deleterious to the human body,” wika niya.

Ayon sa datos ng Real Numbers na inilabas ng PDEA noong Enero 31 ngayong taon, may kabuuang 24,303 barangay sa buong bansa ang naalis na sa ilegal na droga mula nang magsimula ang kampanya sa droga noong Hulyo 2016.

Nasa 11,129 na barangay pa lamang ang hindi pa nalilinis sa ilegal na droga, habang 6,613 na iba pa ang nananatiling drug-free.

May kabuuang 1,008 drug den at 18 clandestine shabu laboratories na rin ang na-dismantle, habang iba’t ibang uri ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng PHP75.35 bilyon, kabilang ang PHP63.22 bilyong halaga ng shabu, ang nasabat.

Nasa 327,039 na mga drug personalities ang naaresto, habang 6,229 na iba pa ang namatay sa pagsasagawa ng kabuuang 226,662 anti-drug operations.

Sa mga naaresto, humigit-kumulang 14,389 na indibidwal ang itinuturing na high-value target, kabilang ang 396 elected public officials at 136 uniformed personnel.

Handang sumunod

Samantala, sinabi ng PDEA na susundin nito ang utos ng Pangulo na bigyan ang mga human rights groups ng kopya ng ulat sa anti-narcotics campaign ng gobyerno.

As President Rodrigo Roa Duterte previously stated, the PDEA shall act in accordance with his directive to submit an up-to-date report on the volume of seized illegal drugs, most especially methamphetamine hydrochloride, or shabu, in the Philippines to the International Criminal Court (ICC) and local human rights groups,” sinabi ng ahensya sa isang pahayag na nai-post sa opisyal nitong social media account.

Idinagdag nito na ito ay handa, pumapayag at kayang maglahad ng anumang naaangkop na datos na may kaugnayan sa pambansang kampanya laban sa droga kapag hiniling.

LATEST

LATEST

TRENDING