DA: Bird flu outbreak sa Luzon, nananatiling kontrolado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes sa publiko na nananatiling kontrolado ang bird flu outbreak sa ilang duck at quail farms sa Luzon habang ipinapatupad ang mas mahigpit na containment measures.

Sa virtual press briefing ng DA, sinabi ni Secretary William Dar na dapat paigtingin ang mga biosafety protocol upang mapanatili ang epektibong pagpigil sa virus.

Nandito na sa atin, pero maganda po ang ugnayan ng Bureau of Animal Industry, regional field offices, and the Department of Health, so under control po ito,” wika niya.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Dar na kailangan ng agarang aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang mga rehiyon.

The avian influenza virus detected is of subtype H5N1, which is also a threat to human health. This is the very reason we have to double our efforts in controlling and containing bird flu, and we can accomplish this through cooperation,” aniya.

Sa ngayon, ang Avian Influenza (AI) H5N1 outbreak ay naitala sa mga duck at quail farms sa Bulacan, Pampanga, Laguna, at Camarines Sur.

Ayon sa ahensya, naitala rin ang mga kaso sa Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Sultan Kudarat, at Benguet, “marahil” dahil sa pagkakaroon ng migratory birds.

Ang DA ay naglabas na ng Memorandum Circulars 5 at 6, na nagsasaad ng mga alituntunin sa paggalaw at pagbabantay sa mga ibon at produkto ng manok sa gitna ng avian influenza outbreak.

Pansamantalang sinuspinde ng isang buwan ang paggalaw ng lahat ng uri ng buhay na ibon, kalapati, game fowl, at pato mula Luzon patungong Rehiyon 4B, Visayas, at Mindanao.

Gayundin, sinuspinde rin ng 30 araw ang paggalaw ng mga live duck at pugo sa loob ng mainland Luzon.

Kasama rin ang iba pang mga regulasyon para sa mga kalakal ng manok, partikular sa mga nagmumula sa 1-kilometer quarantine zone.

LATEST

LATEST

TRENDING