SK compensation bill, hihikayat ng mas maraming kabataan sa serbisyo publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ng iba’t ibang opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) at mga lider ng kabataan nitong Lunes na ang panukalang nagbibigay ng karagdagang benepisyo para sa mga opisyal ng SK ay hihikayat ng mas maraming kabataan na makilahok sa serbisyo publiko bilang mga susunod na pinuno ng bansa.

Ginawa ng Sangguniang Kabataan ng Pilipinas ang pahayag habang pinupuri nila ang ratipikasyon ng congressional bicameral conference report ng House Bill 10698 at Senate Bill 2124, na mas kilala bilang SK Empowerment and Compensation bill.

Providing additional privileges such as honorarium and civil service eligibility to all SK officials, including the Secretary and Treasurer, not only benefits the Sangguniang Kabataan themselves but the communities they serve,” ayon sa pahayag.

Sinabi ng grupo na ang pagpasa ng SK Compensation bill ay nagbibigay-diin din sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na representasyon ng kabataan sa Kongreso at sa lahat ng pampublikong proseso sa pulitika upang suportahan ang mga hakbang na may kaugnayan sa kabataan.

Hinimok nila si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na lagdaan ang panukalang batas sa oras na maihatid sa tanggapan nito upang mapabilis ang pagpapatupad nito.

We vow to continue doing our best to serve the people and the nation. Long live the Filipino Youth,” wika nila.

Ang House Bill 10698 ay nagbibigay sa mga SK kagawad ng honoraria, allowance, at naaangkop na mga sertipiko ng pagiging kwalipikado sa serbisyo sibil.

Pinalalawak din ng reporma ang mga tungkulin ng mga SK upang isama ang skills training, youth employment, environmental protection, values education, at iba pang mga programang partikular sa mga kahinaang nakakaapekto sa mga kabataan.

Ipinag-uutos din nito na ang SK treasurer ay dapat may background sa finance o accounting.

Ang reporma ay nangangailangan din na ang bawat lokal na yunit ng pamahalaan ay humirang ng isang lokal na youth development officer upang makipag-ugnayan sa mga pagsisikap ng SK.

LATEST

LATEST

TRENDING