Duterte kinilala ang ‘teamwork’ ng mga opisyal ng gobyerno para labanan ang Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinilala ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang “teamwork” na ipinakita ng mga frontline officials ng gobyerno para labanan ang Covid-19 pandemic sa nakalipas na dalawang taon.

Sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Lunes ng gabi, muling kinilala ni Duterte si Health Secretary Francisco Duque III para sa pangunguna sa paglaban sa pandemya.

I’d like to say something konting ano lang — that you’ve done good sa trabaho mo and the Filipino [people] will never forget that,” isinaad ni Duterte.

Si Duque ay binatikos kamakailan dahil sa umano’y maling pamamahala sa mga pondo ng pandemya.

This is a sacrifice really for you to continue doing it. I have to ask you several times to stay on the job because we need you,” wika ni Duterte, na tinutukoy ang ilang mga panawagan para sa pagbibitiw ni Duque sa gitna ng krisis sa kalusugan.

Thank you, sir,” sagot ni Duque, chairperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Pinuri rin ni Duterte ang “walang kapagurang pagpapagal” ni Secretary Carlito Galvez Jr. bilang National Task Force (NTF) Against Covid-19 Chief Implementer at vaccine czar ng bansa, Interior Secretary Eduardo Eduardo Año bilang NTF vice chair, at National Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa kanyang gabay.

Pinasalamatan din niya ang NTF deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon, na pinayuhan siyang sumali sa isang political party pagkatapos ng Duterte administration.

Vince Dizon, saan ka man pumunta after this administration, join a political party. ‘Yan ang forte mo, it’s organizing,” giit ni Duterte.

If there is somebody I would like to thank publicly, it is never too late to say thank you. Salamat sa lahat,” wika ni Duterte. “Sila yun nag teamwork to defeat this [Covid-19 pandemic]. So someday magpapasalamat ang Filipinos sa inyo,” dagdag niya.

Nitong Lunes, naitala ng DOH ang 2,730 bagong kaso ng Covid-19, ang pinakamababang pagtaas ngayong taon.

Bumaba sa 76,609 ang aktibong kaso sa bansa matapos makapagtala ang DOH ng 7,456 bagong paggaling.

Sa kanyang ulat, sinabi ni Dizon na mahigit 61 milyong Pilipino ang ganap na ngayong bakunado laban sa Covid-19, umaasa na umabot sa 90 milyon bago matapos ni Duterte ang kanyang termino sa Hunyo ngayong taon.

Iniulat ni Duque kay Duterte na umabot ang Pilipinas sa low-risk case classification na may negatibong two-week growth rate na -74 porsyento at low-risk average daily attack rate na 5.26 kada 100,000 indibidwal.

Partikular niyang binanggit na ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa mababang panganib maliban sa Region 11 (Davao), Cordillera Administrative Region, Region 6 (Western Visayas), at Region 12 (Soccsksargen), na pawang nasa ilalim ng moderate risk classification.

Ang intensive care unit utilization rate sa buong bansa ay nasa mababang panganib sa 34.12 porsyento, ayon kay Duque.

Samantala, sinabi niya na ang kabuuang paggamit ng COVID-19 na mga higaan at mechanical ventilator sa bansa ay wala pang 50-porsiyento na paggamit.

We are able to manage our cases and our health system’s capacity is very much prepared for any eventuality na kung magkaroon na naman ng saka-sakaling pagtaaas,” wika ni Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING