Duterte: Bakunadong mga Pilipino ang magpapasaya sa akin bago bumaba sa pwesto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang bagay na magpapasaya sa kanya bago siya bumaba sa puwesto ay ang makita na ang mayorya ng populasyon ng Pilipino ay protektado laban sa Covid-19.

Sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas nitong Lunes, sinabi ni Duterte na dapat maunawaan ng mga Pilipino na narito pa rin sa bansa ang kinatatakutang Covid-19.

If there is something that makes me happy when I go out of this office, maligaya ako kung malaman ko na halos lahat magpabakuna,” aniya.

Idinagdag ni Duterte na target ng gobyerno ang isang Covid-free na bansa na karamihan sa mga tao ay ganap na bakunado laban sa coronavirus.

“Wala pa tayo dyan sa herd immunity. The Covid is here and it can afflict everybody. No one is still safe. We have to avoid, wear a mask and listen to what government says,” sinabi ni Duterte, habang hinimok niya ang mga hindi pa nabakunahan na mag-avail ng Covid-19 shots.

Bukod sa malawakang pagbabakuna, binigyang-diin niya ang malaking kontribusyon ng public minimum health standards sa pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Science has proven time in again and it shows in our fight against Covid na talagang napigilan yung surge and hindi nating gustong bumalik iyan kaya nakikiusap tayo na the only way to fight Covid really is still the fundamental: you wash your hands, wear your mask, avoid crowds if you can,” giit ni Duterte.

Hinikayat niya ang mga residente sa iba’t ibang lugar—na nahuhuli pa rin sa kanilang pagbabakuna—na magpabakuna na.

I am pleading to you, on behalf of the government na mahinto na sana itong Covid na ito and the only way to do it, is most or not, all Filipinos are vaccinated,” aniya.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Task Force laban sa Covid-19, may kabuuang 61,058,862 na mga Pilipino na nasa hustong gulang na ang ganap na bakunado, gayundin ang mga nakatanggap ng single-dose na Janssen at Sputnik Light jabs.

LATEST

LATEST

TRENDING