Duterte walang sinusuportahang presidential bet ‘sa ngayon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na wala siyang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022 “sa ngayon”.

Ibinunyag ni Duterte na halos lahat ng kandidatong naghahangad na maging kahalili niya ay humingi ng pag-endorso.

If I see that it would be — my advice and maybe endorsement would help kung kailangan. But at this time, I am saying that I am not supporting anybody,” aniya sa isang prerecorded Talk to the People noong Lunes.

Gayunpaman, sinabi niya na iaanunsyo niya kung sinong kandidato ang ieendorso niya kung mayroong “matibay na dahilan” para magbago ang kanyang isip.

“I am not into supporting anybody right now. But if I think that there’s a need to talk and to make a noise because hindi naman — pero you just put in peril iyong gobyerno mismo,” dagdag niya.

Bagama’t binanggit na ang lahat ng kandidato ay “kwalipikado” na tumakbo bilang pangulo, sinabi ni Duterte na mayroong “ilan” na may mga ideolohiya na hindi angkop sa kanya.

Hindi niya pinangalanan ang mga kandidato.

Sa ngayon, mayroong 10 kandidato ang tumatakbo para sa posisyon ng pangulo sa Mayo 9 na botohan.

“May iba kasi diyan na may ideology ang nakasabit eh,” wika ni Duterte. “They are all qualified kung sino man sila, those running now are qualified to be president. I hope so but… Okay man ang tingin ko sa kanila except for a few misgivings about the danger of falling into the hands of — well, getting into a trap with the communists…”.

Muli rin niyang iginiit na “huli na” na makipag-usap ng kapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang naghaharing partido na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay hindi pa nag-eendorso ng kandidato sa pagkapangulo para sa paparating na botohan.

Nang tanungin kung makakaapekto ba ang pahayag ni Duterte sa desisyon ng PDP-Laban kung sinong kandidato ang ieendorso, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na patuloy pa rin ang consensus-building at mga talakayan ng mga opisyal.

“Patuloy pa rin itong pinaguusapan ng PDP-Laban, yung National Executive Committee pati yung mga leaders ng PDP-Laban dahil ang sinabi ng Pangulo kagabi ay at this time wala pa siyang sinusuportahan na kandidato subalit sinabi niya rin unless there is a compelling reason for me to change my mind,” wika ni Nograles sa isang virtual Palace briefing nitong Martes.

LATEST

LATEST

TRENDING