Duterte naghahanda ng lumabas ng Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsisimula na siyang mag-impake ng kanyang mga gamit at naghahanda sa paglabas sa Palasyo, sa opisyal na pagsisimula ng kampanya sa halalan nitong Martes.

Nag-iimpake na po ako. In a little over three months, ‘yung excess wala na ‘yun. So I should be out by — by March. Hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na ako matutulog rin dito. Kung saan ako dalhin ng Panginoong Diyos, mag-practice na ako tulog doon,” wika ni Duterte sa isang prerecorded public address noong Lunes ng gabi.

Sa halip na manatili sa kanyang opisyal na tirahan sa Malacañang compound, plano umano niyang bumili ng two-bedroom condo sa Maynila at bisitahin lamang ang Palasyo para sa mga “pang-araw-araw” na aktibidad.

“Magpunta na lang ako dito for a day-to-day trabaho and what’s left of the things that we have to work on. Iyon ang (That’s all)… At I will make a speech one of these days thanking the people for the distinct honor of giving me the position as President,” dagdag niya.

Gusto raw niyang maging “affordable” ang susunod niyang tirahan dahil hindi niya kayang bumili ng mamahaling bahay.

“Nagplano kami na ano magbili na lang ng — ‘yung mumurahin na… O hindi ko kaya kung maganda. Pag-alis ko dito, wala akong matirahan. Wala akong mga cousins because all of them are in America so wala akong bahay dito,” isinaad niya.

Sinabi ni Duterte na hindi niya kailangan ng malaking bahay dahil ang kanyang mga anak ay malalaki na at mayroon nang sariling political career ngayon.

I don’t know where kung saan ako dalhin ng Diyos. But I — I trust that he would not let me down,” aniya.

Samantala, sinabi ni Duterte na inaabangan din niya ang kanyang kahalili at imbitahan siya para sa isang pag-uusap.

I wait the day of turnover, matikman ko rin ‘yung feeling ng outgoing President. I will be the one to meet the new president. Then I will invite him here for a talkatise, tête-à-tête,” wika niya.

Noong Disyembre 2021, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na tatamasahin ni Duterte ang mga pribilehiyo ng pagiging isang pribadong mamamayan at gugugol ng mas maraming oras sa kanyang pamilya kapag natapos ang kanyang termino sa Hunyo.

Aniya, ang desisyon ni Duterte na umatras sa pagka-senador ay magbibigay-daan sa kanya na unahin ang pagtugon sa Covid-19 ng bansa at matiyak ang mapayapa, transparent, at patas na pambansa at lokal na halalan.

LATEST

LATEST

TRENDING