Palasyo: Pandemic exit, resiliency plan isinasaalang-alang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinag-iisipan ng gobyerno ang ‘exit plan’ ng bansa mula sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ipinahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at acting presidential spokesperson noong Miyerkules.

We’ve always been talking about that,” sinabi ni Nograles sa isang panayam sa telebisyon nang tanungin kung isinasaalang-alang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang paggawa ng isang pandemic exit plan.

Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay may sariling sub-technical working group (TWG) sa recovery, gumagawa ng mga resolusyon para sa unti-unting muling pagbubukas ng ekonomiya, muling pagbuhay sa industriya ng turismo, at pagpapatuloy ng face-to-face classes, ayon kay Nograles.

So may task group kami diyan and they are the ones that are building up and putting the details to this resiliency plan that we have,” wika niya.

And now, we also have Alert Level 1 that we’re also hoping to be able to implement, and that really puts a premium now in, you know, empowering now the people to do the proper protocols, iyong minimum public health standards because they are already fully vaccinated and many are already boosted,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Nograles na papakinggan pa ng gobyerno ang mga eksperto sa kalusugan kung ituturing ng bansa ang Covid-19 na parang “seasonal flu”.

We have to wait for what the health experts will tell us. Right now, wala pa talagang consensus diyan eh,” aniya.

Nauna nang iniulat ng mga awtoridad sa kalusugan ang pagbaba sa mga aktibong kaso sa bansa at maging ang hospitalization rate dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nabakunahang indibidwal sa bansa.

So, that shows that the vaccines work. So, many are hopeful but cautious pa rin ‘yung optimism ng lahat. So it’s still a little bit of wait and see, but there’s a hope in seeing this as being more of like a seasonal flu,” isinaad ni Nograles.

Sa isang pampublikong briefing sa Laging Handa noong Miyerkules, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit na hindi pa nakikibahagi ang gobyerno sa “endemic” na termino, ang direksyon ay ang makita “na tayong lahat ay mabubuhay kasama ang virus”.

But let us try to see first kasi itong endemicity marami pong components ‘yan – kailangan makita natin sustained talaga, iyong naku-control na iyong numero ng mga kaso, nakikita natin na marami nang bakunado, nakikita natin iyon pong mga nagkakasakit na mga severe infections hindi na rin po ganoon kadami,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING