Bumaba na sa ‘moderate risk’ status mula sa ‘critical’ ang Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na ang risk classification ng coronavirus sa Pilipinas ay bumaba sa ‘moderate’ mula sa ‘high o critical’ risk.

“We show a negative one-week and two-week growth rate. Ang average daily attack rate natin nasa high risk pa rin pero bumaba siya sa 19.43 cases for every 100,000 individuals,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing.

Bilang karagdagan, ang utilization rate ng hospital at intensive care unit bed ay parehong nasa “low risk”.

Ayon kay Vergeire, bumaba ang national positivity rate sa 35.4 porsyento mula sa 46.8 porsyentong peak noong Enero 18.

Aniya, patuloy na bumababa ang mga kaso sa Region 3 (Central Luzon) at 4-A (Calabarzon), at Metro Manila habang ang iba ay nakikitaan pa rin ng mataas na bilang ng mga impeksyon.

But if we look at the trends in the number of cases, especially the seven-day moving average, nagpla-plateau na. In Visayas, bumabagal na ‘yong pagtaas ng kaso sa kanila hindi na masyadong nag-a-uptick,” wika niya.

“Sa Mindanao, may mga piling lugar katulad ng Caraga at Region 12 kung saan may pagtaas ng pag-utilize ng kama so binabantayan nang maigi ito,” dagdag niya.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Pilipinas ng 3,577,298 kumpirmadong kaso ng Covid-19 mula nang magsimula ang outbreak, kung saan 160,297 ang sumasailalim sa paggamot, 3,362,904 ang gumaling, at 54,097 ang namatay.

LATEST

LATEST

TRENDING