Higit sa 500 mga lugar isinailalim ng granular lockdown sa gitna ng pagdagsa ng mga impeksyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nasa 540 na lugar sa buong bansa ang isinailalim sa granular lockdown habang patuloy na kinakaharap ng bansa ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nitong Lunes ng gabi.

In fact, po ay aabot sa 97 ang LGUs (local government units) na under ng Alert Level 3. Sa pagpapatupad ng ating granular lockdown nationwide, makikita po na 31 cities at municipalities ang apektado, 268 barangays po, at 540 areas naman po ang kasalukuyang under granular lockdown — ang 60 ay nasa National Capital Region, at ang apektado ay 717 households or 1,482 individuals,” sinabi ni Año sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo R. Duterte sa kanyang Talk to the People briefing.

Samantala, sinabi ni Año na naglabas ng memorandum circular ang DILG sa mga LGU, police officers, at traffic bureaus na ipatupad ang “no vaccination, no ride policy” ng Department of Transportation (DOTr) bilang pagsunod sa utos ng Pangulo na higpitan ang paggalaw ng mga hindi nabakunahan.

Ang mga taong may medical condition at mga mamamayan na kinakailangang maka-access sa essential at medical services ang pupuwede lamang pong bigyan ng ating exemption. Sa ngayon po naman ay maayos ang pagpapatupad nito at masasabi po natin na sumusunod po ang ating mga kababayan,” aniya, idinagdag na inatasan na rin ng League of Provinces of the Philippines ang lahat ng lalawigan na sundin ang patakaran.

Hindi nakaligtas sa pagtaas ng kaso

Samantala, iniulat ni Año na ang mga tauhan ng DILG at mga attached agencies nito, kabilang siya, ay hindi nakaligtas sa pagdami ng impeksyon.

Nitong Lunes, sinabi ni Año na ang Philippine National Police (PNP) ang may pinakamaraming bilang ng Covid-19 active infections na may 4,015, kasunod ang Bureau of Fire Protection (BFP) na may 471 at ang DILG central at regional offices na may 98 kaso.

Nakapagtala ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng 91 kaso, sinundan ng National Police Commission (Napolcom) na may 60; Philippine Public Safety College, 13; Philippine Commission on Women, 13; Local Government Academy, 10, National Youth Commission, apat; at National Commission for Muslim Filipinos, isa.

Samantala, apat na gobernador at 21 alkalde ang hanggang ngayon ay nagkasakit ng Covid-19.

Sa pagpapatupad ng health protocols, iniulat ni Año na may kabuuang 62,833 katao ang lumabag sa panuntunan sa mandatoryong pagsusuot ng face mask.

Sa bilang na ito, 44,617 indibidwal ang binalaan, 9,654 ang pinagmulta, 3,719 ang sumailalim sa community service, at 4,843 ang kinasuhan.

Ibinunyag din ng DILG chief na 332 katao ang nahuli dahil sa mass gathering infractions — 316 dito ay binalaan habang ang iba ay pinagmulta.

May kabuuang 23,528 na lumabag sa physical distancing protocol ang nahuli — 20,920 sa kanila ang binalaan, 509 ang pinagmulta, 1,173 ang nagsagawa ng community service at 305 ang kinasuhan.

Sa parehong ulat, binanggit ni Año na 1,842 pulis ang naka-deploy sa 556 quarantine hotels na may kabuuang 23,970 returning overseas Filipinos (ROFs).

May kabuuang 478 help desk din ang naitatag sa mga quarantine hotels na accredited ng Department of Health (DOH), Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Tourism (DOT).

May kabuuang 783 anti-illegal drug operations din aniya ang isinagawa mula Enero 9 hanggang 15, na humantong sa pagkakaaresto sa 1,091 na mga suspek.

Sa mga operasyong ito, 17 pang suspek ang sumuko habang dalawa ang napatay.

Nasamsam din ng mga alagad ng batas ang 15 kilo ng shabu at 91.9 kilo ng marijuana na may pinagsamang halaga na PHP113,360,294 mula sa mga operasyong ito.

LATEST

LATEST