DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Magpapataw ng multa at parusa ang mga ahensya na linya ng Department of Transportation (DOTr) laban sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) na makikitang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR) simula Martes.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na mga traffic enforcer mula sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine National Police (PNP) – Highway Patrol Group (HPG) ay kasalukuyang naglalabas ng babala laban sa mga lalabag.

Gayunpaman, sinabi niya na nagsimula nang maniningil ng multa ang mga traffic enforcer sa ilalim ng ilang local government units (LGU).

LGUs are not under DOTr. They are operating and issuing tickets in line with their respective ordinances,” wika ni Libiran.

Sa ilalim ng LTFRB, sinabi niya na ang mga driver at operator ng PUV na lalabag sa mandatory vaccination policy ay pagmumultahin ng PHP5,000 para sa unang paglabag at PHP10,000 para sa pangalawang paglabag pati na rin ang pag-impound ng kanilang PUV sa loob ng 30 araw.

Para sa ikatlong paglabag, sinabi niya na ang mga driver at operator ay pagmumultahin ng PHP15,000 at sususpindihin o kanselahin ang kanilang prangkisa.

Ang pagpapatupad ng mandatory vaccination policy sa pampublikong transportasyon ay opisyal na nagsimula noong Lunes sa pinagsamang operasyon ng I-ACT kasama ang PNP at LTFRB sa mga pangunahing daanan ng NCR.

Sa isang Facebook post, sinabi ng I-ACT na ang mga pasaherong nabigong magpakita ng vaccination card o mga kaukulang dokumento na nagpapatunay sa kanilang exemption ay pinigilan sa pagsakay sa PUVs.

Sinabi nito na 160 pasahero ang pinagbawalan sa unang araw ng pagpapatupad ng patakaran, bukod sa iba pang mga paglabag tulad ng labis na pasahero, obstruction, inspection report summons, at overloading.

Muling hinihikayat ng I-ACT ang publiko na makiisa sa pagpapatupad ng mga nasabing patakaran upang mas maging komportable at ligtas ang pampublikong transportasyon sa disgrasya at Covid-19,” ayon sa I-ACT.

Nauna rito, naglabas ang DOTr ng department order na nagpapahintulot lamang sa mga ganap na nabakunahan mula sa pagsakay sa pampublikong sasakyan papunta, mula, at sa loob ng NCR.

Ang patakaran, na nagbubukod sa mga hindi mabakunahan dahil sa mga medikal na dahilan at kailangang kumuha ng mga mahahalagang produkto at serbisyo, ay may bisa lamang habang ang NCR ay nasa Alert Level 3 o mas mataas.

LATEST

LATEST