WHO: Maaaring palitan ng Omicron ang Delta bilang dominanteng variant sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Maaaring palitan ng Omicron variant ng coronavirus ang Delta bilang dominanteng variant sa Pilipinas, sinabi ng kinatawan ng bansa ng World Health Organization na si Dr. Rabindra Abeyasinghe nitong Miyerkules.

Nabanggit ni Abeyasinghe na magiging mahirap ang pagtukoy sa lalong madaling panahon kung aling variant ang nangingibabaw dahil sa “napakakaunti” na mga resulta ng sequencing mula sa ibang mga rehiyon.

We believe that in the near future, Omicron will displace Delta variant as the predominant variant as it has done in several other countries,” sinabi ni Abeyasinghe sa isang televised public briefing.

The last batch of samples were largely from NCR (National Capital Region) and from returning overseas Filipinos who tested positive and so, it’s not surprising that among the ROFs and also in NCR that we are seeing now Delta variant being displaced by the Omicron variant,” iginiit ni Abeyasinghe.

Nauna rito, sinabi ni Philippine Genome Center chief, Dr. Cynthia Saloma, na maraming Delta variant cases ang nakita pa rin sa sequencing run noong Disyembre.

Idinagdag ni Abeyasinghe na mahirap tukuyin kung ang bansa ay nasa kasagsagan ng pagtaas ng kaso o maaaring asahan ang karagdagang pagtaas ng mga kaso.

We are seeing that the incubation period in Omicron is lower than with the Delta and with the various type. And so, this progresses much faster and develops much faster,” aniya.

Nitong Miyerkules 4 p.m., nakapagtala ang Department of Health ng 32,246 na bagong impeksyon sa coronavirus, na nagdala sa kabuuang bilang ng bansa sa 3,058,634 na may 208,164 na aktibong kaso.

Sinabi ni Abeyasinghe na ang bansa ay patuloy na makakakita ng pagtaas ng mga kaso habang ang virus ay kumakalat sa ibang mga rehiyon tulad ng Central Visayas, Region 4-A (Calabarzon), at Region 5.

Even in Visayas and Mindanao. So, this is inevitably going to happen, but we need to be careful in assessing and jumping to conclusions,” idinagdag niya.

Pinaalalahanan niya ang publiko na pigilan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.

LATEST

LATEST

TRENDING