‘No vax, no ride’ sa NCR public transit, magsisimula sa Enero 17

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tanging ang ganap na nabakunahan na mga indibidwal, na may ilang mga eksepsiyon, ang papayagang sumakay ng pampublikong transportasyon simula Enero 17, ipinahayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.

“Para mabigyan ng konting allowance ang mga tao to prepare for this, ang utos ni [DOTr] Secretary [Arthur] Tugade is to make this fully effective by Monday,” sinabi ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr. sa isang virtual presser.

Ang DOTr ay naglabas ng Department Order No. 2022 – 001 na nagsasaad na tanging ang mga ganap na nabakunahan lamang ang pinapayagang sumakay ng pampublikong sasakyan papunta, mula, at sa loob ng NCR.

This DO shall cover public transportation for individuals who reside outside NCR but who work and/or travel to the same,” ayon sa nakasulat.

Ang ilang mga eksepsiyon sa mandato ay kinabibilangan ng mga taong may kondisyong medikal na pumipigil sa ganap na pagbabakuna sa Covid-19 “na pinatunayan ng nilagdaan na sertipikong medikal at may pangalan at mga detalye ng doktor”.

Ang mga indibidwal na bibili ng mga mahahalagang produkto at serbisyo tulad ng pagkain, tubig, at gamot “na mayroong katibayan na barangay health pass o iba pang naaangkop na patunay upang suportahan at bigyang-katwiran ang naturang paglalakbay” ay exempted din sa patakaran.

Sa isang mensahe ng Viber, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na hindi kailangan ng antigen test result para sa mga indibidwal na exempted dahil sa mayroong medikal na kondisyon.

Hence, for those passengers claiming to be covered under the medical reason exemption, transport authorities shall only look for their Medical Certificate,” iginiit ni Libiran.

Bilang tugon sa mga pag-aangkin na ang mandato ng bakuna sa pampublikong sasakyan ay “mahirap, draconian, o nagpaparusa,” sinabi niya na ang panukala ay makakatulong na matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa publiko at pampublikong sasakyan at “maiwasan ang muling pagsasara ng pampublikong sasakyan”.

“Mas anti-poor at anti-life kung mahahawa at makakahawa ang ating mga kababayan dahil sila ay hindi bakunado,” wika ni Libiran.

LATEST

LATEST

TRENDING