PRRD: Dapat manatiling ‘fully operational’ ang gobyerno sa kabila ng pagtaas ng impeksyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na sa kabila ng tumataas na impeksyon sa Covid-19 sa mga manggagawa ng gobyerno, dapat manatiling “fully operational” ang pambansang pamahalaan upang matiyak ang epektibong paghahatid ng serbisyo publiko.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga tauhan ng gobyerno, kabilang ang mga healthcare worker sa mga pampublikong ospital at mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

“Alam mo, kung bawalan tayo tapos lahat sa gobyerno kasi opisina ‘yan. Opisina por opisina por opisina. So kung may asymptomatic diyan talagang mahahawa. Ngayon if bawalan mo lahat magtrabaho then the machinery of government will stop to grind,” aniya sa isang prerecorded public address.

Bilang isang pinakamataas na opisyal ng bansa, sinabi ni Duterte na kailangan niyang ipagpatuloy ang pagdaraos ng regular public address upang “ipaalam sa mga tao kung ano ang ginagawa ng gobyerno”.

Aniya, bahagi ng pagiging isang civil servant ay ang panganib na magkaroon ng Covid-19.

Now, if ma-compromise tayo that’s part of the game. ‘Yan ang trabaho namin. Ngayon, kung magka Covid kami, then so be it. Kasali sa trabaho ‘yan e. Now, kung mamatay ako then so be it,” idinagdag niya.

Noong Sabado, naglabas ang Malacañang ng memorandum circular (MC) na nagsasaad ng mga requirements at pamamaraan para mabawasan ang on-site workforce sa mga opisina ng gobyerno na mababa sa minimum na itinakda sa ilalim ng Alert Level System (ALS).

Sa ilalim ng Alert Level 4, mananatiling fully operational ang mga ahensya ng gobyerno na may hindi bababa sa 20 porsiyentong on-site capacity para sa mga manggagawa; hindi bababa sa 30 porsiyentong on-site na kapasidad para sa Alert Level 3; at hindi bababa sa 50 porsiyentong on-site na kapasidad para sa Alert Level 2.

Noong Enero 6, inihayag ni PSG commander Col. Randolph Cabangbang na may kabuuang 15 tauhan ng PSG ang nagpositibo sa Covid-19.

Tiniyak din ni Cabangbang na ang natitirang mga tauhan ng PSG ay nananatiling fit at kayang protektahan ang Pangulo.

Ang Philippine General Hospital (PGH) noong Sabado ay nagpahayag na ito ngayon ay nasa isang “crisis mode” dahil halos 40 porsyento ng mga healthcare worker ng Covid-19 ay nahawaan ng Covid-19 o ngayon ay nasa quarantine matapos malantad sa virus.

Sinabi ng tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas Del Rosario, na ang mga healthcare worker na na-quarantine dahil sa pagiging positibo psa Covid-19 ay dapat pa ring pumasok sa trabaho hangga’t sila ay asymptomatic.

Sa kasalukuyan, ang PGH ay may humigit-kumulang 2,000 healthcare worker at ancillary staff members na sangkot sa Covid-19 operations.

Sa bilang na ito, 310 sa kanila ang nagpositibo sa Covid-19 noong nakaraang linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING