Duterte: ‘Pandemic, calamity lessons’ gabay ng Pilipinas sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino nitong Biyernes na pahalagahan ang lahat ng kanilang mga karanasang natamo sa pagtatapos ng taon, kabilang ang mga pakikibaka at tagumpay sa pagharap sa Covid-19 pandemic at sa pinsalang dulot ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ipinahayag ni Duterte na ang natatanging katatagan at diwa ng bayanihan (kooperasyon) ng mga Pilipino ay nakakatulong sa bansa upang lumakas sa gitna ng mapanghamong panahon.

Every day, we continue to witness the indomitable spirit of the Filipino that adapts, endures, and triumphs over all adversities. The dedication and courage of our people, especially of our medical and essential front liners, uniformed services, civilian personnel, and volunteers, demonstrate what great things we can achieve if we work in solidarity,” sinabi ni Duterte sa isang pahayag.

As we take a whole-of-nation approach to recover and build back better, may we all be inspired by the promise of new beginnings that the New Year brings,” aniya.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga Pilipino na maghangad ng mas mataas at gawin ang mga bagay na mas mabuti sa diwa ng tunay na malasakit at pagbabago dahil tayo ay papasok sa panibagong simula at pagkakataon sa susunod na taon.

Let all our aspirations and actions be guided by our strong sense of nationhood and our deep faith in the Almighty. May we also find a stronger and higher purpose in our lives so that we may pursue only what is good for our families, communities, and the entire nation,” wika ni Duterte.

Isang pinagpala at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!” pagtatapos niya. 

LATEST

LATEST

TRENDING