Galvez: Pagkasira ng Covid-19 vax dahil sa bagyong Odette ‘negligible’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang pagkasira ng mga Covid-19 vaccine dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette ay nananatiling “negligible”, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. noong Martes.

Sa pagdating ng mahigit dalawang milyong dosis ng AstraZeneca vaccine sa NAIA Terminal 1, sinabi ni Galvez na ang mga lugar na tinamaan ng bagyo partikular sa Siargao at Cebu City ay ipinagpatuloy ang kanilang pagbabakuna dahil umabot na sa 4,120 na dosis ang mga nasirang bakuna laban sa Covid-19 dahil sa “Odette”.

Siargao, even immediately after–a day after–natatakot sila na masira yung vaccine, they already inoculated a lot. Sa Cebu, sinabi nga ng isang doktor, bagyo lang ito, tuloy tuloy ang pagba-bakuna natin,” wika ni Galvez.

Aniya, maaaring mas dumami ang bilang ng nasirang bakuna dahil naghihintay pa sila ng karagdagang datos mula sa Tandag City sa Surigao del Sur.

Areas that were badly hit have suffered long shortage of energy—particularly in Cebu, Palawan, Caraga region, in Leyte, and other areas. As reported today, Cebu still has 50 percent capacity in terms of its electrification,” sinabi ni Galvez.

Iniugnay niya ang medyo mababang pagkasira sa pagsisikap ng mga local government units, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army, at Philippine National Police.

The AFP issued the directive to the different unified commands to take care of the vaccines and they provided the needed gas for the generators,” wika ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING