Mga lalawigang tinamaan ng ‘Odette’, makakuha ng 756K rice packs mula China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Higit pang mga relief packs ang patungo na sa mga tinamaan ng bagyo sa Visayas at Mindanao matapos ibigay ng gobyerno ng China nitong Miyerkules ang 150,000 sako ng bigas sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang 4,725 metrikong tonelada ng mga kalakal ay kumumpleto sa 10,000 metrikong toneladang bigas na nauna nang ipinangako ng gobyerno ng China sa bansa, na dumating nang maglunsad ang Pilipinas ng mga relief efforts pagkatapos ng Bagyong Odette na nanalasa sa bansa noong nakaraang linggo.

The arrival of this China rice is so timely that we could use them in the repacking of food packs for the victims of Typhoon Odette. On behalf of the Philippine government, we express our heartfelt gratitude to the people of the People’s Republic of China for their generosity and untiring support to the Philippines,” wika ni Social Welfare and Development Director Emmanuel Privado sa turnover sa Pasay.

Hindi bababa sa 756,000 pamilya ang nakatakdang makinabang sa donasyong bigas, na isasama sa mga food packs ng gobyerno na ipapamahagi sa Siargao, Dinagat Islands, Cebu, Bohol, Negros Oriental at Occidental, Bacolod, Iloilo, at Palawan.

Sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian, na pormal na nagbigay ng rice aid, na hindi bababa sa 1,500 metric tons (MT) ng donasyon ang nasa Cebu na habang 3,225 MT ang nasa Maynila para sa agarang deployment.

I am relieved to see that in response to the disaster, the Philippine government and people have promptly launched orderly and efficient rescue and relief operations. I look forward to the China-aided rice playing its role in the relief,” aniya.

Mahigit 1.3 milyong tao ang naapektuhan ng super typhoon sa buong Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Caraga regions, gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Privado na nananatiling hamon ang transportasyon sa pag-abot sa mga nasalanta ng bagyo ngunit mahigit 20 trak na may dalang 1,000 hanggang 1,400 food packs bawat isa ay patungo sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

Ngayon talaga nagpi-pile ang trucks sa ports. But our deliveries are continuous,” sabi niya sa isang panayam.

Nitong Miyerkules ng umaga, tatlong trak na patungong Bohol at Dumaguete ang umalis sa National Resource Operations Center ng Department of Social Welfare and Development sa Pasay.

LATEST

LATEST

TRENDING