Duterte, nag-aalala sa Omicron; paggamit ng face shield, muling inirerekomenda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Martes na nag-aalala siya sa posibilidad ng Omicron variant ng Covid-19 na magdulot ng panibagong pagdami ng mga impeksyon, at binanggit na naubos ang pondo ng gobyerno.

Ginawa niya ang pahayag na ito matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na ang kanyang departamento ay nakapagtala ng hindi bababa sa tatlong imported na kaso ng Omicron sa Pilipinas.

“Ang ano ko lang is kung (My only concern is if) it would be as bad as the previous viruses already nandito, medyo natatakot lang ako. You know, somehow kinakabahan ako kasi — let me be frank to the public, depleted na ‘yung pera talaga ng Pilipinas, even coping up with the growing expenses for the typhoon victims,” aniya sa kanyang regular na Talk to the People.

Gayunpaman, sinabi niya na umaasa rin siya sa paggamit ng mga pondo mula sa 2022 national budget ng bansa.

“Ni-walis nga kung ano pang matira, ubusin na lang and we might get more funds,” iginiit niya

Sa isang press briefing ng Palasyo nitong Miyerkules, nilinaw ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na may pondo pa rin ang gobyerno na dapat gastusin para sa Bagyong Odette at sa pagtugon sa Covid-19.

Paliwanag niya, nangako pa si Duterte na makalikom ng PHP10 bilyon para sa mga biktima ng bagyo.

Yes, we have money, and the President already directed, number one ‘yong sa PHP10 billion nga na kinakailangan, of course, it would not stop there,” wika niya.

Binigyang-diin ni Nograles na ang pahayag ni Duterte ay para lamang ipaalam sa publiko na ang paghahanap ng pondo ay “hindi isang madaling gawain” at tiniyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga lalawigang nasalanta ng bagyo.

If you listen to the speeches of the President that’s what he says, we spent so much for efforts against Covid, we spent so much for vaccines, and ito meron na namang challenge, itong Typhoon Odette. But we in the government, in his administration will look for all ways and means to address all of the challenges, all of the concerns, lahat ng mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” idinagdag niya.

Panatilihin ang pagsusuot ng face shields

Hinikayat ni Duterte ang publiko na patuloy na gamitin ang kanilang mga face shield sa ibabaw ng kanilang mga face mask, kahit na hindi na sila mandatory sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

“Sa totoo lang, I think, the compliance of our citizens in the matter of strictly enforcing the masks, one. And when somebody — while it might be not really a well-studied proposition but I would dare say that that shield will add another layer of protection in addition to the [masks],” aniya.

Sinabi niya na “matibay ang paniniwala” niya na ang mga face shield ay nakatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

I really firmly believe that the wearing of that face shield has contributed a lot. I cannot quantify or by what percentage but it’s just a gut feeling na ‘yung kasi tayo — mababa na tayo ngayon,” idinagdag niya.

Nauna nang sinabi ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na tinitingnan nito ang muling pagpapatupad ng mandatory face shield policy upang makatulong na labanan ang pagkalat ng mga bagong variant ng Covid-19.

Noong Nobyembre 15, inalis ni Duterte ang mandatoryong paggamit ng mga face shield at ginawa lamang itong boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.

Ang patakaran sa face shield ay ipinauubaya sa pagpapasya ng mga local government units (LGUs) at pribadong establisyimento sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4.

Ang mga lugar lamang sa ilalim ng Alert Level 5 at closed, crowded, and close contact (3Cs) tulad ng mga ospital at iba pang pasilidad na medikal, ang kinakailangang gumamit ng mga face shield.

LATEST

LATEST

TRENDING