DOH: 168 bagong kaso ng Covid-19, pinakamababa na walang datos mula sa 24 labs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng 168 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ang pinakamababang bilang sa isang araw na impeksyon sa bansa ngayong taon dahil sa pagkabigo ng 24 na laboratoryo na magsumite ng data.

Of the 168 reported cases today, 159 or 95 percent occurred within the recent 14 days – December 8 to 21, 2021. The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (National Capital Region) with 47 or 30 percent, Region 4-A with 27 or 17 percent, and Region 6 with 16 or 10 percent,” sabi ng DOH sa araw-araw nitong Covid-19 bulletin.

Ang mga bagong impeksyon nitong Martes ay nagdala ng kabuuang bilang ng kaso sa 2,837,719.

We dropped 179 negatives after validation from the total case count while we only reported 168 new cases. Thus, the lower total case count today in comparison with yesterday,” dagdag nito. “Moreover, 6 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Samantala, ang mga aktibong kaso ay bumaba pa sa 9,384 matapos makapagtala ang DOH ng 372 bagong paggaling. Sa kasalukuyan, mayroong 2,777,541 bilang ng mga gumaling sa bansa.

Nasa 3,379 sa mga aktibong kaso ay banayad, 508 ay asymptomatic, 377 ay kritikal, 1,804 ay malala, at 3,406 ay moderate.

Nakapagtala din ang departamento ng 10 bagong pagkamatay, na nagtulak sa mga nasawi sa Covid-19 sa bansa sa 50,794.

Of the 10 deaths, 6 or 60 percent occurred in December 2021, 2 or 20 percent in November 2021, 1 or 10 percent in August 2021, and 1 or 10 percent in May 2020 due to late encoding of death information to COVIDKaya,” isinaad nito.

Sinabi ng DOH na ang isyu na ito ay nakikipag-ugnayan sa epidemiology at surveillance units upang matiyak na napapanahon ang impormasyon.

Batay sa datos ng DOH noong Disyembre 19, 0.9 porsiyento lamang ng 22,964 na nasuri ang nagpositibo sa Covid-19.

Sa ngayon, 22 porsiyento ng 3,500 intensive care unit beds, 23 porsiyento ng 19,500 isolation beds, 11 porsiyento ng 12,400 ward beds, at 11 porsiyento ng 3,000 ventilator ay ginagamit ng mga pasyenteng may Covid-19 sa buong bansa.

Samantala, 21 porsiyento ng 1,200 intensive care unit beds, 20 porsiyento ng 4,600 isolation beds, 17 porsiyento ng 3,700 ward beds, at 12 porsiyento ng 1,000 ventilator na nakatuon sa mga pasyenteng may Covid-19 ang ginagamit sa NCR.

LATEST

LATEST

TRENDING