PNP makikipagtulungan sa Comelec sa pagtanggal ng poll tarps

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na sasangguni ito sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa mga kahilingan ng mga pampublikong opisyal o kandidato na tanggalin ang mga election paraphernalia na naka-display sa iba’t ibang lugar.

If there is a go signal from the Comelec and the DILG (Department of the Interior and Local Government), then we will assist in the removal of these materials. We just wanted to maintain our neutrality, so in every crucial action, this must have the authority of the Comelec,” wika ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos sa isang pahayag.

Nauna nang ipinag-utos ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtanggal ng mga election-related materials sa pampublikong pag-aari ng lungsod.

Sinabi ni Carlos na batid ng PNP ang mga campaign materials na inilalagay kahit sa mga matatanaw na lugar, ngunit binanggit ng Comelec guidelines ang mga lugar kung saan ipinagbabawal ang mga materyales na ito.

One thing is for sure, we won’t allow these campaign materials to be posted on police stations and offices. The PNP will immediately order the removal of such,” wika ni Carlos.

Transparent recruitment

Samantala, sinang-ayunan ng PNP chief ang pahayag ni dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na wala nang “padrino” system sa proseso ng recruitment ng PNP.

Ang walang pangalan at walang mukha na QR (quick response) Code system ay epektibong nag-alis ng mga posibleng pagkakataon para sa hindi nararapat na interbensyon ng third-party sa proseso ng recruitment.

We will give priority to the applicants who shall pass the physical and psychological exams. Everything will be based on their capability,” idinagdag niya.

Sa ilalim ng bagong sistemang ito, ang bawat aplikante ay bibigyan ng nakatalagang QR code upang masubaybayan nila ang pag-usad ng kanilang aplikasyon at ang mga resulta ng kanilang mga pagsusulit.

Ang pagsusuri ay ibabatay sa mga nagawa at kredensyal ng aplikante.

LATEST

LATEST

TRENDING