Palasyo hinihimok ang LGUs na tumanggap ng walk-in sa ‘Bakunahan 2’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang ikalawang round ng national vaccination laban sa Covid-19 ay maaaring maka-accommodate ng higit pa kung papayagan ang walk-ins sa lahat ng local government units (LGUs).

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, acting Presidential spokesperson, na kabilang ito sa mga mungkahi para sa ikalawang “Bayanihan, Bakunahan” drive mula Disyembre 15 hanggang 17.

Siyempre iyong sinasabi namin na mga improvements like accommodating walk-ins. But the process, it’s really up to the LGUs and then kung paano iyong proseso. Ang paki-usap lang namin ay magkaroon ng sistema also for walk-ins,” aniya sa isang panayam sa radyo noong Linggo.

Sa pagbanggit sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niya na hinihikayat ang mga LGU na palawigin ang kanilang average 12-hour operating time hanggang sa may mga tao pa ring pumipila para sa bakuna.

Direktiba rin po iyon ng Pangulo. Ang sabi nga niya basta may nakapila pa diyan, nandoon pa sa linya, may nag-aantay pa eh huwag ninyo pong isara ang vaccination sites,” idinagdag niya.

Iminungkahi ni Duterte na panatilihing bukas ang mga vaccination sites araw-araw upang makapag-accommodate ng higit pa.

Sinabi ni Nograles na maaaring naisin din ng mga LGU na pag-isipang pahusayin ang kanilang house-to-house efforts para sa mga senior citizen at mga taong may comorbidities.

Several or many of the LGUs ay gumagawa po ng mga house-to-house. Kung lahat po ng LGUs ay magkaroon ng ganiyang klaseng initiative especially para sa mga senior citizen natin at iyong mga, those with comorbidities, mas maganda po iyan,” wika niya.

Samantala, pinaalalahanan ni Nograles ang publiko na iwasang maging mapili sa mga tatak ng bakuna.

Kailangan paulit-ulit po nating banggitin at i-remind ang lahat ‘no na wala na dapat iyong brand preference. Kung ano pong mayroon diyan, iyan pong lahat ng mga vaccines po natin ay safe and effective po para sa lahat,” aniya.

Ang unang “Bayanihan, Bakunahan” noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay nakapagbakuna ng 8 milyong katao.

Ang pagpapalawig ng dalawa pang araw sa ilang LGU ay nagpataas ng bilang sa 9.9 milyon, kaya nalampasan ng gobyerno ang target nitong 9 milyon.

LATEST

LATEST

TRENDING