Mga hotel na hindi sumusunod sa quarantine protocols, papatawan ng parusa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang mga hotel na mabibigong sumunod sa quarantine protocols para sa mga Pilipino at dayuhang manlalakbay na manggagaling sa ibang bansa ay papatawan ng parusa ng mga awtoridad, sinabi ng Malacañang nitong Miyerkules.

Nagbigay ng babala si Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles habang pinaalalahanan niya ang mga hotel na tiyakin ang pagsunod sa mga resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa “green” (low risk), “yellow” (moderate risk), at “red” (high-risk) list na mga bansa, hurisdiksyon, at teritoryo.

DOJ [Department of Justice] na bahala. We are under a public health emergency and we are governed by very strict laws. So anyone that cheats the system will be penalized accordingly,” wika ni Nograles sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel (ANC) Headstart.

Inamin ni Nograles na mayroong “rumors” tungkol sa ilang mga hotel na hindi sumusunod sa mga quarantine protocol, ngunit binanggit na ang mga ito ay hindi pa napapatunayan.

Sa kasalukuyan, ang mga nabakunahang manlalakbay mula sa green at yellow list ng mga teritoryo ay kailangang magpakita ng negatibong pre-departure reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) na kinuha sa loob ng 72 oras bago sila umalis mula sa kanilang bansang pinagmulan.

Maaari silang ma-discharge sa paglabas ng negatibong RT-PCR test at kinakailangang mag-self-monitor hanggang sa ika-14 na araw mula sa petsa ng pagdating.

They may be discharged upon the release of a negative RT-PCR test and will be enjoined to self-monitor up to the 14th day from the date of arrival.

Kung walang negatibong pre-departure test, sila ay sasailalim sa facility-based quarantine na may ikalimang araw na RT-PCR test at madi-discharge sa oras na mailabas ang negative result.

Dapat silang sumailalim sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw mula sa petsa ng pagdating.

Ang mga hindi nabakunahan, bahagyang nabakunahan, at mga indibidwal na ang katayuan ng pagbabakuna ay hindi maaaring ma-validate ay kailangang sumailalim sa quarantine na may RT-PCR test na ginawa sa ikapitong araw.

Sa paglabas ng negatibong result ng RT-PCR test, kailangan silang sumailalim sa home quarantine hanggang sa ika-14 na araw mula sa petsa ng pagdating.

The faster you get the results then the faster you can leave the facility and do self-monitoring. These are for fully-vaccinated,” wika ni Nograles.

Noong Nobyembre 28, pansamantalang sinuspinde ng IATF ang testing at quarantine protocol para sa mga bansa, hurisdiksyon, at teritoryong nauuri sa green list sa gitna ng nagbabantang Omicron variant ng Covid-19.

Maliban sa mga bansang inuri kabilang sa red list, ang mga testing at quarantine protocols para sa lahat ng mga inbound international travelers sa lahat ng mga daungan ng pagpasok ay susunod sa testing at quarantine protocols para sa yellow list.

LATEST

LATEST

TRENDING