PH pinalawak ang ‘red list’ para kontrolin ang banta ng Omicron

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinalawak ng Pilipinas ang mga paghihigpit sa paglalakbay upang isama ang pito pang mga bansa sa “red list” upang pigilan ang pagkalat ng bagong Omicron variant ng Covid-19, sinabi ng Malacañang noong Linggo.

Idinagdag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy sa red list, ayon sa press statement mula sa Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.

Nasa red list na ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Bago ang deklarasyon ng travel ban noong Biyernes, ang South Africa, Namibia, at Zimbabwe ay nasa “green list”.

Ang red list o mga lugar na itinuturing na “high-risk” para sa Covid-19 ay ia-update pagkatapos ng Disyembre 15.

Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to red list countries/jurisdictions/territories within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines shall not be allowed,” wika ni Nograles.

Tanging ang mga Pilipinong babalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation at tinatawag na Bayanihan (Cooperation) flights ang papayagang makapasok sa ilalim ng umiiral na entry, testing, at quarantine protocols para sa mga red list countries/jurisdictions/territories.

Hindi sasailalim sa mga paghihigpit ang mga pasaherong nasa transit na at lahat ng mga nakarating na sa mga bansa/teritoryo/ hurisdiksyon sa red list sa loob ng 14 na araw bago dumating sa Pilipinas at dumating bago sa 12:01 a.m. ng Nobyembre 30.

Sasailalim sila sa facility-based quarantine sa loob ng 14 na araw na may pagsusuri sa ikapitong araw, na ang unang araw ay ang petsa ng pagdating, sa kabila ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) result.

Sa kabilang banda, ang mga pasahero na dumating bago ang Nobyembre 28 at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine alinsunod sa mga klasipikasyon ng kanilang bansang pinagmulan ay kukumpleto sa kanilang testing at quarantine protocols.

Ang mga pasahero, Pilipino man o dayuhan, na dumadaan lamang sa mga ‘red countries’, hindi sila ituturing na nanggaling o nakarating sa nasabing bansa kung sila ay nanatili lamang sa paliparan.

Gayunpaman, kinakailangan nilang sumunod sa mga kasalukuyang testing at quarantine protocols.

Noong Biyernes, idineklara ng World Health Organization na “of concern” ang Omicron variant ng Covid-19.

Una itong naiulat sa WHO mula sa South Africa noong Nobyembre 24 at natukoy rin sa Botswana, Belgium, Hong Kong, at Israel.

Ilang bansa na ang nagpataw ng mga paghihigpit sa paglalakbay papunta at mula sa timog Africa.

LATEST

LATEST

TRENDING