DOH: Hindi pa rin malinaw kung umaatake ang Omicron sa ilang pangkat ng edad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng isang health official nitong Lunes na wala pa ring ebidensya na nagpapakita kung ang bagong natukoy na variant ng coronavirus na Omicron ay mas nakakahawa sa nakababatang populasyon o magdudulot ng malubhang sintomas.

Isinaad ni Department of Health Epidemiology Bureau officer-in-charge Director Alethea de Guzman na kailangan ng karagdagang pag-aaral upang mas maunawaan ang transmissibility, infectivity at epekto ng Omicron sa efficacy ng bakuna.

“Base sa pag-aaral, hindi natin makikita kung mas apektado nito ang isang age group at kung mas magiging severe case o mas magiging mataas ang tiyansa ng pagkamatay sa mga kaso na may Omicron variant,” sinabi ni de Guzman sa isang online briefing.

Ang mga naunang naiulat na balita ay nagsabi na ang Omicron variant ay nakahawa ng mga indibidwal na wala pang 40 taong gulang at ang mga sintomas nito ay banayad — pagkapagod, pananakit ng ulo, at bahagyang lagnat — kumpara sa Delta variant.

Ang Omicron variant ay unang natukoy noong Nobyembre 21 sa Botswana, Hong Kong, at South Africa. Itinalaga ito bilang variant sa ilalim ng pagsubaybay noong Nobyembre 24 at inuri bilang variant of concern noong Nobyembre 26.

With 50 mutations overall, 30 of which are in the spike region, it is possible that the Omicron variant may cause increased transmissibility and immune invasion,” wika ni de Guzman.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga mananaliksik sa South Africa at sa buong mundo ay nagsasagawa ng mga pag-aaral upang mas maunawaan ang maraming aspeto ng Omicron.

Tungkol sa transmissibility, sinabi ng WHO na hindi pa malinaw kung ito ay mas nakakahawa kumpara sa iba pang mga variant, kabilang ang Delta.

The number of people testing positive has risen in areas of South Africa affected by this variant, but epidemiologic studies are underway to understand if it is because of Omicron or other factors,” ayon sa isang update na nai-post sa website nito noong Nob. 28.

Hindi pa rin malinaw kung ang impeksyon sa Omicron ay nagdudulot ng mas matinding sakit kumpara sa mga impeksyon sa iba pang mga variant, kabilang ang Delta.

Preliminary data suggests that there are increasing rates of hospitalization in South Africa, but this may be due to increasing overall numbers of people becoming infected, rather than a result of specific infection with Omicron,” sinabi nito.

There is currently no information to suggest that symptoms associated with Omicron are different from those from other variants. Initially reported infections were among university students — younger individuals who tend to have more mild disease — but understanding the level of severity of the Omicron variant will take days to several weeks,” idinagdag nito.

Mabilis na kumakalat ang Omicron sa buong Europa, na nag-udyok sa mga lokal na awtoridad at iba pang mga bansa na pigilan ang pagkalat nito sa pamamagitan ng muling pagsasara ng mga hangganan.

Humigit-kumulang 14 na bansa ang nag-ulat ng insidente ng Omicron variant — South Africa, 109; Botswana, 19; Netherlands, 13; ang United Kingdom, 3; Germany, 3; Israel, 2; Canada, 2; Hong Kong, 2; Australia, 2; Denmark, 2; Austria, 1; Italy, 1; Belgium, 1; at ang Czech Republic,1.

Ang travel ban ay ipinataw sa mga manlalakbay mula sa South Africa, Botswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Malawi at Seychelles.

Walang natukoy na kaso ng Omicron variant sa bansa, ani de Guzman.

[It] is highly likely that the Omicron variant will eventually come into the country similar to other variants of concern. Measures proposed to be in place are to buy us time to prepare our local health systems,” wika ni de Guzman.

Nanawagan si De Guzman na palakasin ang “Door 2” ng Four Door o Point of Entry Strategy upang maiwasan ang pagpasok o pagpigil at pagaanin ang mga kaso ng Omicron variant.

Kasama sa istratehiya ang screening, quarantine, at testing sa mga entry points.

Kung nakapasok na sa bansa ang variant, pinayuhan ni de Guzman ang mga local government unit na magsagawa ng active case finding, agarang isolation, at contact tracing ng mga natukoy na kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING