Palasyo: Asahan ang mga pagtitipon ni Duterte kasama ang mga kaibigan, kaalyado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Malacañang noong Miyerkules na dahil sa pagbaba ng mga impeksyon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), maaaring mas madalas na makipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga “kaibigan at kaalyado” sa hinaharap.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang sitwasyon ng Covid-19 at ang mataas na vaccination turnout sa bansa ay nagpapahintulot kay Duterte na makipag-ugnayan muli sa kanyang mga kaalyado.

With active Covid-19 cases now on a steady decline and now that we are feeling the positive impact of the government’s vaccination, we expect the President to join similar gatherings with friends and allies in the future,” sinabi ni Nograles sa isang pahayag.

Inilabas ni Nograles ang pahayag, habang kinumpirma niya na may “impormal at nakakarelaks” na pagtitipon si Duterte kasama ang kanyang mga kaalyadong mambabatas sa Malacañang Palace sa Maynila noong Martes ng gabi.

Gayunpaman, hindi idinetalye ni Nograles ang pakikipagpulong ni Duterte sa ilang mambabatas.

It was an informal and relaxed gathering with lawmakers, many of whom are friends of the President dating back to his days as mayor of Davao City,” iginiit niya.

Sinabi ni Nograles na nais lamang ni Duterte na kunin ang pagkakataong makipagkita sa kanyang mga kaalyado at makabawi sa nawalang oras dahil sa Covid-19 pandemic.

It was, for the President, an opportunity to see friends he had not personally seen since the onset of the pandemic due to the restrictions that had been put in place,” wika niya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni House Deputy Speaker Michael Romero na nag-host si Duterte ng “casual dinner” para sa mahigit 100 kongresista.

Ayon kay Romero, pinasalamatan ni Duterte ang 18th Congress sa kanyang “unscripted speech” para sa “lahat ng legislative assistance” na ibinigay nito sa kanyang administrasyon.

In return, leaders of the House led by Speaker LAV (Lord Allan Velasco) thanked the President for all the programs he has coursed through the various representatives of the House,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING