FDA inaprubahan ang 4 Covid-19 vax brands bilang booster shots

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang binagong emergency use authorization na ibinigay sa apat na Covid-19 vaccines na maaaring gamitin bilang mga booster shot at karagdagang dosis.

Sa isang pre-recorded public address na ipinalabas noong Martes, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang AstraZeneca, Pfizer, at Sinovac ay maaaring gamitin bilang mga homologous vaccines o ang parehong uri ng bakuna bilang third shot.

“Ibig sabihin, kapag naka-dalawang Pfizer, after six months, maaaring magbigay ng isa pa” aniya.

Samantala, ang single-dose na Sputnik Light ay maaaring ibigay bilang booster shot o karagdagang dosis anuman ang tatak ng bakuna ng unang dalawang shot o pangunahing serye.

Sinabi pa ni Domingo na pinahintulutan ng Department of Health (DOH) ang paghahalo at pagtutugma ng mga tatak ng bakuna.

Isinaad ng DOH sa isang pampublikong pahayag na inilabas noong Lunes ng gabi na ang mga health workers na fully vaccinated ay maaaring tumanggap ng kanilang ikatlong dosis o booster shot ng bakuna laban sa Covid-19 simula Nobyembre 17.

Anuman ang tatak na ginamit sa pangunahing serye, inirerekomenda ng DOH ang Moderna, Pfizer, at Sinovac bilang booster doses.

Ang National Vaccine Operations Center ay hindi pa nagbibigay ng mga alituntunin sa pangangasiwa ng mga booster shot.

LATEST

LATEST

TRENDING