DepEd: Matagumpay ang unang araw ng F2F classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Naging matagumpay ang unang araw ng limitadong face-to-face classes sa halos 100 paaralan, sinabi ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) noong Martes.

Mayroon ding tatlong paaralan ng Department of Education (DepEd) sa Zambales na ipinagpaliban ang kanilang pagbubukas ng klase — San Marcelino National High School at Baliwet Elementary School dahil ilang guro ang nagpositibo sa Covid-19 noong nakaraang araw, at Banawen Elementary School dahil sa hindi pa available ang mga resulta ng antigen test ng mga guro.

Malugod po nating tinanggap ang unang mga mag-aaral natin na tumuntong muli sa ating mga paaralan physically matapos nang mahigit isang school year na tayo ay nag-pure distancing learning. At ito po ay kasama sa ating pilot face-to-face implementation in select schools nationwide.” wika ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa isang Palace briefing.

Mahigit 5,000 mag-aaral at halos 1,000 guro ang lumahok sa unang araw ng pilot in-person classes.

Sinabi ni Malaluan na isa itong preparatory run bago ang pinalawak na yugto ng limitadong in-person classes.

Ang lahat ng resulta ay susuriin sa Enero 31.

We are confident that we will be able to successfully conduct this pilot phase. We will learn from it and so that we will be ready for the implementation and reintroduction of face-to-face classes sa lahat po ng ating mga paaralan sa buong bansa sa susunod na taon in 2022,” aniya.

Sa hiwalay na media briefing, sinabi ni DepEd Director Jocelyn Andaya na ang 20 pribadong paaralan na sasali sa pilot limited face-to-face classes simula Nobyembre 22 ay nasa Regions 1 (Ilocos), 3 (Central Luzon), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 9 (Zambonga), at 12 (Soccsksargen).

LATEST

LATEST

TRENDING