Maiikling pagsabog, mataas na sulfur emission, naitala sa Bulkang Taal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isang panandaliang phreatomagmatic burst at mataas na sulfur dioxide (S02) emission na may average na 12,516 tonelada ang naitala sa Bulkang Taal noong Lunes, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes.

Naitala ang phreatomagmatic burst noong 11:39pm bilang isang volcanic tremor event na tumagal ng tatlong minuto. Nakabuo ito ng plume na 2,400 metro ang taas.

Ang phreatomagmatic eruptions ay sanhi ng interaksyon ng magma at tubig.

Samantala, 10 volcanic earthquakes, kabilang ang pitong volcanic tremor events na may tagal ng isa hanggang tatlong minuto, at tatlong low-frequency volcanic earthquakes, ang naobserbahan din.

Ang mga volcanic quakes ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum Jr. na ang mababang bilang ng volcanic quakes ay naobserbahan mula katapusan ng Setyembre hanggang ikatlong linggo ng Oktubre.

Most days during that period, the number of quakes was below 10,” aniya.

Ang pinakahuling pagtaas ng bilang, na umaabot sa mahigit 100, ay nangyari noong ikalawang linggo ng Nobyembre, ayon kay Solidum.

Ang alert level 2 (increased unrest) ay pinananatili sa Bulkang Taal, na nangangahulugan na ang biglaang singaw o gas-driven na pagsabog, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas ay maaaring mangyari at nagbabanta sa mga lugar sa loob at paligid ng Taal Volcano Island (TVI).

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa TVI.

Hinihimok ng Phivolcs ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na patuloy na suriin at palakasin ang kahandaan ng mga naunang lumikas na barangay sa paligid ng Taal Lake sakaling magkaroon ng panibagong unrest.

LATEST

LATEST

TRENDING