Duterte sa LGUs: Paghigpitan ang hindi bakunadong menor de edad sa pampublikong lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units (LGUs) na magpasa ng mga lokal na ordinansa na nagbabawal sa mga menor de edad na hindi pa nabakunahan na gumala sa mga pampublikong lugar.

I am calling on all local government units to consider passing ordinances for age restrictions among minors who can be allowed to go to the malls,” isinaad ni Duterte sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Duterte na ang mga bata, lalo na ang mga hindi pa protektado laban sa coronavirus disease (Covid-19), ay mananatiling nasa panganib ng matinding impeksyon.

“Certainly, they cannot allow those below 12 years old and those who are still unvaccinated to be exposed to the risks of Covid-19 in public places,” idinagdag niya.

Pinayuhan din ni Duterte ang mga magulang na ilayo ang kanilang mga anak sa kinatatakutang virus, at binanggit ang ulat na isang dalawang taong gulang na bata ang nagpositibo sa Covid-19 tatlong araw matapos bumisita sa isang mall.

Alam kong gustung-gusto niyo nang ipasyal ang mga anak niyo after staying for so long inside your home due to lockdowns, pero isipin ninyo kung maliliit pa ang mga anak niyo at hindi pa bakunado, do not expose them to the virus. They have no defense mechanism in their system [against] Covid-19,” isinaad niya.

Nanawagan si Duterte sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga hindi pa nabakunahang menor de edad na “mag-ingat sa mga panganib na ito”.

Ang gobyerno, aniya, ay “nag-iisip lamang tungkol sa kaligtasan” ng mga kabataang indibidwal at tinitiyak na “walang sinuman sa mga batang Pilipino ang dapat mahawaan ng Covid-19”.

Reminder, even if we are able to control the virus, the virus is still here and remain to be a threat to our people and nation. Kaya ipagpatuloy po natin ang mask, hugas, iwas. Bakuna pa rin ang importante na protection. I hope that everybody would take this advice para malayo sa disgrasya,” wika niya.

Patuloy ang pagbabakuna ng mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 taong gulang sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang punong tagapagpatupad ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na kinukumpleto na ngayon ng gobyerno at ng mga awtoridad sa kalusugan ang mga kinakailangang assessment at safety protocols para simulan ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Pinahintulutan ng Food and Drug Administration (FDA) sa United States ang pang-emerhensiyang paggamit ng bakunang Pfizer-BioNTech na ibigay sa mga age bracket na ito.

LATEST

LATEST

TRENDING