PRRD, kinumbinsi si Bong na tumakbo bilang pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang nagkumbinsi kay Senador Christopher “Bong” Go na tumakbo bilang pangulo matapos bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente kasunod ng desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang bise presidente.

“Umiiyak si Bong, sabi ko wag ka umiyak, bakit ka iiyak, bukas ang president, tumakbo ka. E bakit ka iiyak dahil lang anak ko sumingit bigla,” isinaad ni Duterte sa isang online na panayam sa vlogger na si Byron Cristobal, na kilala bilang Banat By, na ipinalabas sa YouTube noong Linggo ng gabi.

Sinamahan ng Pangulo si Go nang magtungo ang senador sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila noong Sabado para maghain ng kanyang certificate of candidacy para tumakbong presidente sa 2022 national at local elections sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang kaalyadong partido ng naghaharing Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ni Duterte na nagulat siya na si Sara noong Sabado ay naghain ng kanyang COC para tumakbong bise presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kabila ng pagiging nangungunang contender para sa pangulo batay sa mga kamakailang survey.

“Nagtataka ako, siya ang No. 1 sa survey, kung bakit siya pumayag na tatakbo ng bise, siya ang mataas ang rating, bakit?” wika ni Duterte.

Aniya, maaaring naimpluwensyahan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang anak na tumakbo bilang bise presidente.

“Hindi ko naman siya sinisisi kasi di naman kami nag-usap. Yun desisyon nila ang ayaw ko na tatakbo. I’m sure yun pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong,” pahayag ni Duterte.

Isinaad ni Duterte na sa loob ng “ilang oras”, mag-aanunsyo siya na “maaari” siyang tumakbo (VP) bilang tandem ni Go.

Sinabi niya na susuportahan niya ang presidential bid ng kanyang long-time top aide.

E wala itong ginawang hambog na kwento na kaya niya, pero alam ko sa taon na nagserbisyo siya sa akin, alam ko talagang honest. Wala ka talagang masilip,” ani Duterte na tinutukoy si Go.

Sa panahon ng kampanya sa halalan, sinabi ni Duterte na ibubunyag niya ang mga dahilan kung bakit niya sinuportahan si Go imbes na si Marcos o si Manny Pacquiao.

Nilinaw niya na si Pacquiao, isa ring kandidato sa pagkapangulo, ang humiling upang magkita sila noong nakaraang linggo.

“Sabi nya na magsama tayo for the sake of Mindanao. Sabi ko, I am sorry, I cannot support you,” wika ni Duterte.

“Hindi talaga ako magsuporta sa kanya, hindi rin ako magsuporta kay Marcos, wala ako, basta ako kay Bong, niloko nila eh,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya nangakong susuportahan niya si Marcos.

LATEST

LATEST

TRENDING