Mahigit 69-M dosis ng Covid-19 vax ang naipamahagi sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Pilipinas ay nakapagbigay na ng 69,028,113 dosis ng mga bakuna laban sa coronavirus habang patuloy na tumataas ang average daily vaccination rate, iniulat ng National Task Force (NTF) noong Sabado.

Ang pinakahuling datos mula sa National Covid-19 vaccination dashboard ay nagpakita na 31,355,064 mga Pilipino ang ganap na ngayong protektado laban sa matinding banta ng respiratory virus.

Nauna nang sinabi ni NTF chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na tinitingnan ng gobyerno na makumpleto ang kinakailangang dosis ng hindi bababa sa 54 milyong Pilipino sa katapusan ng Disyembre upang makamit ang population protection.

Ang primary objective natin dito is ma-capacitate natin ‘yung mga regions na mababa ang vaccination output. So that they could immediately catch up. We will have that momentum going forward hanggang December 30,” aniya sa nakaraang panayam.

Mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, plano ng gobyerno na magpatakbo ng tatlong araw na immunization drive para magbigay ng hindi bababa sa limang milyong dosis ng Covid-19 kada araw.

We are very excited as we prepare for the conduct of our National Vaccination Days,” wika ni Galvez.

Sa ngayon, nakatanggap ang Pilipinas ng 123,258,340 dosis ng mga bakunang Covid-19, parehong binili at donasyon, mula sa iba’t ibang pharmaceutical firms.

Noong Sabado ng umaga, 1,279,000 dosis ng Moderna Covid-19 vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang average daily vaccination rate ng bansa na naitala sa huling pitong araw ay tumaas sa 748,839 dosis, kumpara sa 300,000 hanggang 400,000 na average noong mga nakaraang linggo.

Noong Biyernes, 969,858 na dosis ang naibigay kasunod ng dalawang magkasunod na araw na higit sa isang milyon bawat isa.

LATEST

LATEST

TRENDING