DOH iniimbestigahan ang kaso ng batang nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tinitingnan ng Department of Health (DOH) ang kaso ng dalawang taong gulang na bata na napaulat na nakakuha ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) wala pang isang linggo matapos bumisita sa isang mall, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Sabado.

Nagsagawa ang DOH ng imbestigasyon at inaasahang maglalabas ng karagdagang impormasyon sa mga susunod na araw.

Sinabi rin ni Vergeire na maaaring may iba pang dahilan kung bakit nagkaroon ng impeksyon ang sanggol, kabilang ang pagkahawa ng virus mula sa mga kasamang nasa hustong gulang na lumalabas para sa trabaho o mga gawain.

“[K]ailangan maintindihan din ng ating mga kababayan, unang-una, marami pang puwedeng maging factor at mga reason kung bakit nagkaroon ng sakit ang bata,” wika niya sa isang online briefing.

Hindi lang po iyong pagpunta sa mall. Maaaring doon lang sa bahay ay doon na siya nahawa. Maaaring ang mga nakakatanda niyang kasama sa bahay ay lumalabas at nagtatrabaho. So mayroong mga factors na kailangan nating tingnan,” iginiit niya. 

Nauna nang ibinahagi ng isang social media user sa Facebook at Twitter na isang dalawang taong gulang na bata ang nagpositibo sa SARS-CoV-2 araw pagkatapos bumisita sa isang mall.

Habang iniimbestigahan ng ahensya ang kaso, hiniling ni Vergeire sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na iwasang dalhin ang kanilang mga anak sa mataong lugar.

[B]inubuksan natin ang specific sectors pero mayroon din hong obligasyon ang ating mga kababayan na mag-follow sa safety protocol and especially our mothers and guardians na kapag nakita na natin na crowded na iyong lugar, huwag na muna po tayong tumuloy,” aniya.

Let us remember the objective of having children out is for them to be able to get sunlight, to have exercise, but not to go to these crowded malls,” idinagdag niya.

Pinayagan ang mga bata na makapasok sa mga mall nang isinailalim ang Metro Manila sa hindi gaanong mahigpit na Alert Level 2 noong Nobyembre 5.

LATEST

LATEST

TRENDING