‘Renewal of Friendship’: Pacquiao, nakipagkita kay Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng “short at cordial” meeting si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa Malacañang noong Martes ng gabi.

Idinaos ang pagpupulong sa kahilingan ni Pacquiao, ani Roque.

We confirm that Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao met President Rodrigo Roa Duterte last night, November 9. It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” sinabi ni Roque sa isang press statement.

Si Pacquiao, na naluklok bilang pangulo ng naghaharing partido na Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong 2020, ay minsang itinuring na kaalyado ni Duterte.

Gayunpaman, sina Duterte at Pacquiao ay nagkaroon ng verbal na tunggalian noong Hulyo ng taong ito matapos sabihin ng senador na lumalala ang katiwalian sa ilalim ng pamamahala ng Chief Executive.

Ang lamat sa pagitan ng dalawa ay humantong din sa paglikha ng isang bagong paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Dumalo rin sa pagpupulong nina Duterte at Pacquiao si Senator Christopher Lawrence Go, na tumatakbong bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Cusi.

Si Pacquiao, na kinikilala pa rin bilang pangulo ng kabilang pangkat ng naghaharing partido, ay tumatakbo sa pagkapangulo sa May 9, 2022 national elections.

Sinabi ni Roque na hindi pulitika ang pinag-usapan nina Duterte at Pacquiao.

There was no talk of politics but a renewal of friendship,” wika niya.

Idinagdag ni Roque na ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay nakatuon lamang sa ilang bagay na makakabuti sa mamamayang Pilipino.

It was a meeting between two national leaders from Mindanao who discussed certain matters related to people’s concern in their area, specifically in the infrastructure and power industry,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING