DOJ chief, OK sa kagustuhang piliin ng employer ang bakunadong aplikante

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinang-ayunan ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na legal para sa mga magiging employer na pumili ng mga aplikanteng fully vaccinated laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

The President is correct. Employers have the prerogative to select whoever they wish to employ on the basis of their own standards. There is no employer-employee relationship at that point,” isinaad ni Guevarra sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

Gayunpaman, sinabi ni Guevarra na kasalukuyang ipinagbabawal ng batas na gawing isang requirement ang pagbabakuna para sa patuloy na pagtatrabaho.

But if they (employers) have already hired and signed up someone, they cannot say, ‘Okay, you are already hired. but you must get vaccinated.’ that is the compulsion that is not allowed under RA (Republic Act) 11595,” aniya.

Ang stockpile ng bakuna ng bansa sa ngayon ay umabot na sa mahigit 113 milyong dosis, na may mga opisyal na nagpapahayag ng pag-asa na ang layunin na mabakunahan ang hindi bababa sa 70 porsiyento ng target na populasyon ay makakamit sa pagtatapos ng taon.

Sa pagsisimula ng linggo, ang Pilipinas ay nakapagbigay na ng 64,195,936 na dosis ng mga bakunang Covid-19, kabilang ang 29,477,961 na fully vaccinated.

LATEST

LATEST

TRENDING