Patuloy na Covid-19 benefits ng health workers, aprubado ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng House Committee on Health nitong Martes ang ilang mga hakbang na magpapatuloy sa pagbibigay ng mga allowance at benepisyo sa lahat ng pampubliko at pribadong health worker sa panahon ng state of public health emergency dahil sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Ang House Bills 9640, 10198, 10285, 10331, at 10365 ay ipinasa ng panel, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, na napapailalim sa konsolidasyon at pagbabago

Kasama sa mga benepisyo ang buwanang special risk allowance para sa lahat ng pampubliko at pribadong manggagawang pangkalusugan na direktang tumutugon sa o nakikipag-ugnayan sa mga pasyente ng Covid-19; actual hazard duty pay para sa lahat ng manggagawang pangkalusugan na naglilingkod sa frontline; at life insurance, tirahan, transportasyon at pagkain sa lahat ng manggagawang pangkalusugan.

Gayundin, bibigyan ng PHP15,000 bawat isa ang mga health worker na may mild o moderate na Covid-19; PHP100,000 para sa malubha o kritikal na mga kaso; at kung sakaling mamatay, ang halagang PHP1 milyon sa mga tagapagmana.

Ang iba’t ibang mga hakbang sa iminungkahing Covid-19 Benefits for Health Workers Act ay nag-uutos na ang mga benepisyong ito ay dapat manatiling available hangga’t patuloy idinideklara ng pangulo ang national public health emergency.

Sinabi ni Tan na isasama rin sa panukala ang mga karagdagang benepisyo na sasakupin ang psychiatric treatment para sa mga apektadong health workers.

Binanggit ni Tan na ang Republic Act 11494, o mas kilala bilang “Bayanihan to Recover as One Act” o Bayanihan 2, na nag-uutos sa pagbibigay ng mga benepisyo sa Covid-19 health worker, ay natapos noong Hunyo 30 ngayong taon.

The WHO has in fact called on the public to ensure that our health and care workforces are supported, protected, motivated and equipped to deliver safe health care at all times, not only during Covid-19 because they are as much needed to accelerate the attainment of the Sustainable Development Goals and Covid-19 recovery,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING