Palasyo: Paggamit ng face shield mananatili hanggang sa maglabas ng bagong patakaran ang IATF

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes na mananatiling mandatory ang paggamit ng face shield sa mga piling lugar hanggang sa maglabas ng pinal na patnubay ang task force ng gobyerno sa Covid-19 pandemic.

Sa kanyang virtual briefing, umapela si Roque sa local government units (LGUs) na hintayin ang pinal na desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) hinggil sa pagtatanggal ng face shield bilang karagdagang proteksyon laban sa impeksyon sa Covid-19.

Pinaalalahanan din niya ang mga alkalde na sila ay nasa ilalim pa rin ng kontrol at pangangasiwa ng Pangulo sa ehekutibong sangay ng gobyerno at na ang desisyon ng IATF-EID ay sumasalamin sa desisyon ng Pangulo.

Ipinahayag ito ni Roque matapos maglabas ng lokal na ordinansa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagdedeklara ng paggamit ng face shields bilang “non-mandatory” sa lungsod, maliban sa loob ng mga ospital at iba pang pasilidad na medikal.

So ang desisyon po ngayon ay kinakailangan ipatupad muna ang face shields habang pinag-aaralan naman po. Hindi naman po natin sinasabi na hindi tatanggalin ‘yan pero antayin naman po natin ang desisyon ng IATF,” wika ni Roque.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang limitahan ang paggamit ng face shield sa mga sarado at matataong lugar, dahil hindi na kailangang magsuot ng mga ito sa labas.

Ayon kay Roque, pinag-iisipan na ng gobyerno na ganap na alisin ang face shield rule.

Hanggang sa mailalabas ng IATF ang kanilang pinal na desisyon, sinabi ni Roque na dapat “sumunod” ang mga alkalde sa chain of command sa pagpapatupad ng mga tugon sa pandemya.

“Konting pasensya lang pero kinakailangan sundin natin ang chain of command sa Executive branch of government” giit ni Roque.

Mga lugar na hindi kritikal

Samantala, isinaad ng Metro Manila Council (MMC) na nakatakdang irekomenda ang pagtanggal ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga hindi kritikal na lugar.

Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ni MMC at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na mananatiling mandatory ang face shield sa mga lugar tulad ng mga ospital, health center, at public utility vehicles (PUV).

We will recommend the scrapping of mandatory wearing of face shields to the IATF-EID especially since the majority of the eligible population in Metro Manila are already fully vaccinated and the average daily attack rate, as well as the number of Covid-19 cases, are going down,” wika ni Abalos.

Aniya, ang MMC, na binubuo ng 17 alkalde sa Metro Manila, ay sumang-ayon din na i-require ang pagbabakuna sa mga “exhibitors, mga nagbebenta sa tiangge (flea market) at pop-up night markets” para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Since tiangges are seasonal and often last for only two months and sellers come from different areas, it is only proper to require them to be vaccinated,” dagdag ni Abalos.

LATEST

LATEST

TRENDING