LGUs hinimok na maghanda para sa paglipat sa hindi gaanong mahigpit na alert level 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinimok ang mga local government units (LGU) na maging handa para sa higit pang pagluwag ng mga paghihigpit sa paggalaw sa alert level 2 lalo na sa mga lugar na mababa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19.

Sa virtual briefing nitong Biyernes, sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinalakay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad ng karagdagang pagluwag ng mga paghihigpit dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa maraming bahagi ng bansa.

Sinabi niya na ang mga LGU ay kinakailangang ipatupad ang prevent-detect-isolate-treat-reintegrate (PDITR) approach at hikayatin ang publiko na iwasan ang tatlong Cs–closed spaces, crowded spaces, at close-contact settings.

“Dapat handa tayo. We are able to manage and control kung sakali na may puputok na mga kaso. Granular lockdowns, active case finding, intensive testing, contact tracing, and shortening the duration from detection to isolation,” isinaad ni Vergeire.

We were able to advise the DILG (Department of the Interior and Local Government) at ibang pang mga pamunuan na miyembro ng IATF-EID na dapat handa na lahat to shift into this alert level 2,” sinabi ni Vergeire.

Sinabi niya na ang bawat isa ay may “obligasyon at responsibilidad” na patuloy na sundin ang mga pamantayan sa kalusugan tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag-iwas sa mataong lugar, regular na paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

Hinimok din niya ang publiko na bisitahin ang mga establisyimento na nabigyan ng “safety seal”.

“Kapag pumunta kayo sa isang establishment na may safety seal, you can be assured na safe ‘yang establishment na ‘yan,” wika ni Vergeire.

Hinikayat din niya ang mga tao na magpabakuna laban sa Covid-19 sa lalong madaling panahon.

Noong nakaraan, sinabi ng Philippine College of Physicians na nakahanda ang Metro Manila na ilipat sa alert level 2 habang patuloy na bumababa ang mga kaso ng Covid-19 at admisyon sa ospital.

Nanawagan din si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Maria “Joey” Concepcion III at mga may-ari ng negosyo sa gobyerno na isailalim sa alert level 2 ang NCR para mas mapagaan ang mga paghihigpit at makatulong sa pagbangon ng mga negosyo at ekonomiya ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING