Galvez: ‘Homologous’ booster vaccination sa Pilipinas, inirerekomenda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang parehong mga tatak ng bakuna sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) na ginamit bilang pangunahing dosis na ibinibigay sa tatanggap ay gagamitin bilang mga booster shot, pahayag ni National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Galvez na ang interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at ang All Expert Group panel ay nagrekomenda ng “homologous” vaccination scheme sa pagbibigay ng booster shots.

“Kung ano po ang itinurok natin nung first two primaries ay iyon din po ang itutrok natin na third dose or ‘yung tinatawag natin na boosters,” sinabi ni Galvez, na isang vaccine czar din ng bansa.

Dagdag pa niya, ilang pamunuan ng ospital ang nag-order na ng booster vaccines para sa kanilang mga health worker.

Ang karamihan sa mga bakunang ibinibigay ay Sinovac at AstraZeneca doses.

They can be used for boosters and also some of them will be used as a second dose,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Galvez na isinasaalang-alang ng gobyerno ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine booster doses sa mga priority sector sa Nobyembre.

Dati nang pinahintulutan ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng booster shots sa mga fully vaccinated healthcare workers.

Ayon kay Galvez, uunahin din ang mga senior citizen, immunocompromised adults, at mga nabakunahan sa pagitan ng Marso at Mayo.

Sinimulan na ng DOH ang pagproseso ng mga pagbabago ng emergency use authorization ng iba’t ibang tatak ng bakuna na gagamitin bilang booster shots.

LATEST

LATEST

TRENDING