PNP naghahanda para sa nationwide vax rollout para sa mga menor de edad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iniutos ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na simulan ng lahat ng yunit nito ang paghahanda para sa pamamahagi ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine sa buong bansa para sa mga menor de edad sa susunod na linggo.

I am ordering all police units to start security preparations for the expected vaccination of all minors which could begin next week. Police commanders nationwide should get in touch with their LGUs (local government units) to be able to effectively craft security plans with the aim of enforcing minimum public health standards and ensuring the safety of minors and their parents,” wika ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, sa isang pahayag.

Nangyari ito habang sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na magsisimula ang pagbabakuna sa buong bansa ng mga bata na may edad 12 hanggang 17 sa Nobyembre 3.

Nauna nang sinabi ng National Task Force against Covid-19 chief implementer at vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pambansang pamahalaan na makumpleto ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa Disyembre ng taong ito upang maprotektahan sila mula sa matinding impeksyon sa Covid-19.

Samantala, sinabi ni Eleazar na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga basic public health standards at safety measures ay magpapatuloy kung sakaling ibababa ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, na nangangahulugan ng pagtaas ng mobility at operational capacity ng mga negosyo at iba pang establisyimento.

Kasunod ng patuloy na pagpapabuti sa sitwasyon ng Covid-19 sa rehiyon, idineklara ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga mayor ng Metro Manila ay handa para sa pagbabago tungo sa mas maluwag na quarantine status.

Ang rehiyon ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Oktubre 31.

We will not only be enforcing health protocols but we will also enhance crime prevention efforts,” wika ni Eleazar.

LATEST

LATEST

TRENDING