Comelec isinasaalang-alang ang harapang debate para sa pagka-pangulo, VP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang mga kandidato para sa dalawang pinakamataas na elective posts sa bansa ay maghaharap sa harapang debate bago ang halalan sa Mayo 2022.

It will be face-to-face (debate) among candidates. candidates will be in the same place will be debating in person but the audience will be virtual,” isinaad ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang panayam sa telebisyon.

Kasabay nito, sinabi din niya na nagpaplano silang magsagawa ng anim na debate.

We are looking to have essentially six debates — three for president and three for vice president (VP). We have three presidential debates as a general rule. Last election, we had one vice presidential debate which CNN hosted,” idinagdag ni Jimenez.

Sinusubukan din nilang magdagdag ng mga iskedyul ng debate para sa mga indibidwal na tumatakbo para sa pangalawang pinakamataas na posisyon ng bansa, ayon kay Jimenez.

This time we are hoping to expand the number of VP (vice president) debates seeing how VP is elected independently of the president. They might have their own debate series,” aniya.

Bago ang botohan noong Mayo 2016, nagsagawa ang poll body ng tatlong serye ng debate para sa mga kandidato sa pagkapangulo na ginanap sa Luzon, Visayas at Mindanao habang ang VP debate ay ginanap sa Maynila.

LATEST

LATEST

TRENDING