Q4 nat’l quake drill itinakda sa Nobyembre 11

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) na ang ika-apat at huling National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong ito ay gaganapin sa Nobyembre 11.

Magsisimula ang programa nang alas otso nang umaga at isasagawa ang ceremonial pressing of the button nang ganap na alas nuwebe na hudyat ng ating pagda-duck, cover, and hold,” sinabi ng ahensya sa isang Facebook post noong Lunes ng gabi.

Ang mga in-person earthquake drills ay sinuspinde pa rin dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ang una at pangalawang quarter ng NSED ngayong taon ay ginanap noong Marso 11 at Hunyo 10, ayon sa pagkakabanggit, habang ang pangatlo ay isinagawa noong Setyembre 16.

Mapapanood ang kaganapan sa pamamagitan ng livestreaming sa mga Facebook page ng Civil Defense PH at National Disaster Risk Reduction Management Council kung saan maaaring gawin ng mga manonood ang “duck, cover, and hold” sa kanilang mga bahay at tanggapan sa sandaling tumunog ang ceremonial alarm.

LATEST

LATEST

TRENDING