PSG chief: PRC-conducted tests nag-resulta sa maraming ‘false positive’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni Presidential Security Group (PSG) Chief, Col. Randolph Cabangbang noong Miyerkules na hindi nila maiwasang magtaka kung bakit ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) tests na isinagawa ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga tauhan ng PSG ay naging false positives.

Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pampublikong pahayag noong Setyembre 20 na ang mga laboratoryo ng PRC ay nagsagawa ng maraming false-positives reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.

Ayon sa kanya, 187 mula sa 213 sa mga tauhan ng PSG ang nagpositibo sa laboratoryo ng PRC-Manila ngunit negatibo ang nasubukan sa kanilang confirmatory test.

Hinimok ni Duterte ang Department of Health (DOH) na siyasatin ang insidente sapagkat maaari nitong ilagay sa panganib ang mas maraming tao.

Sinabi ni Cabangbang na wala siya sa posisyon na kwestyunin ang Covid-19 testing ng PRC, ngunit imposibleng isipin na napakarami sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo nang wala silang ipinapakitang sintomas.

We are not in the position to question bakit ganun kasi hindi naman natin alam yung technical aspect ng kanilang pagkukuha. But because sinasabi nga nila marami daw and para sa akin, it will be more difficult for us to just accept na marami nga. So nagpa-reswab nalang kami only to find out negative,” isinaad niya sa isang panayam sa mga reporter.

“Kasi pagka nagpositive ka itatali ka na kaagad e. Pero in our case, it is very difficult at saka hindi siya pupuwede mangyari sa amin na ganun because pag mag positive ka ng 180, ang ika-quarantine mo is times three. So that will mean na ubos na yung tao mo. Wala ka nang gagamitin pang security. We cannot just accept that,” idinagdag niya.

Sinabi ng PRC Chairperson at Senador Richard Gordon na ang humanitarian group ay bukas sa pagsisiyasat dahil palagi nilang isiniwalat ang mga test results sa Department of Health at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Isinaad niya na ang PRC ay bumuo pa ng isang computer program na magpapabilis sa paghahatid ng data.

Samantala, sinabi ni Cabangbang na ang lahat ng tauhan ng PSG, partikular ang mga dapat makipag-ugnayan sa Pangulo, ay sumailalim sa antigen testing araw-araw at RT-PCR testing tuwing 48 oras.

Upang masiguro ang kaligtasan ng Pangulo, sinabi niya na sumusunod din sila sa mga regulasyon sa pampublikong kalusugan tulad ng pagsusuot ng mga face mask, paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

LATEST

LATEST

TRENDING