MMDA: One-way route sa CCP Complex para sa COC filing magsisimula sa Oct. 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes ang mga motorista na kumuha ng mga kahaliling ruta sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Maynila dahil magpapatupad ito ng one-way traffic simula Biyernes (Oktubre 1), hanggang sa Oktubre 8, 2021.

Sa isang traffic advisory, sinabi ng MMDA na ang one-way traffic ay ipapatupad sa A. Dela Rama (V. Sotto hanggang Buendia), Buendia (A. Dela Rama hanggang Jalandoni), at Jalandoni (Buendia hanggang V. Sotto) mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

The MMDA will implement a one-way traffic scheme at the CCP Complex starting 5 a.m. on Friday, October 1 until October 8, for the filing of certificates of candidacy (COC) and certificate of nomination and acceptance (CONA) in connection with the May 9, 2022 elections,” ayon sa MMDA.

Nauna rito, itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang COC filing para sa botohan ngayong Mayo 2022 at hiniling na ang mga “aspirants para sa anumang elective office o kanilang mga pinahintulutang kinatawan” na mai-escort ng maximum na dalawang tao at mapapailalim sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan.

Ang mga taong naghahain para sa kandidatura ay kinakailangan ding kumuha ng antigen test o RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test na may negatibong resulta sa loob ng huling 24 na oras bago ang pag-file ng kanilang COC o CONA.

LATEST

LATEST

TRENDING