Comelec inaasahan 200K higit pang botante kung palawigin ang pagpaparehistro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sakaling sumang-ayon ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang pagpaparehistro ng mga botante, hindi hihigit sa 200,000 bagong botante ang inaasahang magpaparehistro.

Right now, our expectation is we are probably going to get less than 200,000 more who have not registered yet,” sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez sa isang virtual briefing noong Biyernes ng hapon.

Isinaad niya na lumagpas sa isang milyon ang kanilang target na mga bagong nagparehistro na apat na milyon para sa buong panahon ng pagpaparehistro.

We exceeded our expectation of four million. We are now actually at five million,” idinagdag niya.

Nang tanungin tungkol sa potensyal ng pagpapalawig ng pagpaparehistro sa ilang mga lokasyon, sinabi ni Jimenez na ang naturang “granular extension” ay magiging mahirap.

We will see. I think if we are going to have a solution it will be a system-wide solution,” giit niya.

Nakatakdang makipagpulong sa susunod na linggo ang Comelec en banc upang talakayin ang tawag para sa pagpapalwig sa pagpaparehistro ng botante.

Inaasahan ang Comelec na magpapasya sa Setyembre 29, isang araw bago ang deadline ng pagpaparehistro ng mga botante sa buong bansa ngayong Setyembre 30.

LATEST

LATEST

TRENDING