Galvez: Lahat ng bakuna sa Covid-19 ligtas para sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. noong Sabado na nagsusumikap ang gobyerno kasama ang mga ekperto sa bakuna upang matiyak na ang lahat ng mga bakuna sa Covid-19 ay ligtas gamitin ng publiko.

All vaccines that we procured have the recommendation of our Vaccine Expert Panel. While different vaccine types have different efficacy rates against the Delta variant, all of them, including Sinovac, are working and effective based on real-world data,” pahayag ni Galvez, na siya ring vaccine czar.

Binanggit ni Galvez ang tungkol sa admission data mula sa Philippine General Hospital (PGH) na ang mga hindi nabakunahang pasyente ng Covid-19 ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng malubhang sintomas.

Batay sa datos noong Agosto 26, ang 66 sa 280 na mga pasyenteng may coronavirus ang nasa kritikal na kondisyon, na may 21 sa kanila na kasalukuyang naka-intubate, sinabi ni Galvez.

Ang mga nasa ilalim ng kritikal na paggamot, 55 ang hindi nabakunahan, idinagdag niya.

While fully-vaccinated individuals can still get infected, none of them are intubated or on life support. This is real-world evidence from our hospital here in the country, majority of Covid-19 admissions and critical patients are unvaccinated,” aniya.

Sinabi ni Galvez na ang lahat ng mga bakuna, anuman ang mga tatak, ay lubusang “napagmasdan at nasuri” para sa kaligtasan at pagiging epektibo, at ang mga eksperto sa bakuna ay gumagabay sa gobyerno kung paano ipatupad ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak nang maayos ang programa ng pagbabakuna ng Covid-19 ng bansa.

The national government and expert groups remain vigilant and transparent in assuring the safety and effectiveness of Covid-19 vaccines,” dagdag niya.

Batay sa pagsubaybay sa bakuna ng NTF, ang Pilipinas ay nagkaloob ng humigit-kumulang 32 milyong mga bakuna sa Covid-19, na may higit sa 13.5 milyon na nakatanggap ng buong proteksyon laban sa sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING