DOH bibilisan pamamahagi ng risk allowance ng healthcare workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Martes na ang lahat ng mga pondo para sa pagtugon sa pandemya ng bansa ay naitala na, at susundin nito ang mga rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) hinggil sa pagpapalabas sa mga Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare worker.

Isinaad ng COA na ang inilabas na ulat ay hindi nagpapahiwatig ng anumang mga pondong nawala sa katiwalian.

Binigyan ang DOH ng 60 araw upang sumunod sa mga rekomendasyon, at iulat ang mga aksyon na isinagawa sa paggamit ng PHP67.3 bilyong pondo sa pandemya.

“Gaya ng sinabi ko noon, bukas na bukas po ang aming tanggapan upang makipagtulungan sa COA upang mapabuti pa ang aming mga proseso at mapagsilbihan ng mas mabuti ang ating mga kababayan,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Inatasan din ni Duque na ipamahagi ang SRA sa loob ng 10 araw.

“Dapat maibigay ang SRA ng mga healthcare workers natin na hindi pa nakakatanggap nito. Patuloy natin sisiguraduhin na makuha ng ating healthcare workers ang kanilang mga benepisyo na naayon sa ating batas,” wika ni Duque.

Mula noong ulat ng pag-audit, ang DOH Centers for Health Development ay nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at publiko at pribadong hospital upang isumite ang natitirang listahan ng mga healthcare worker na karapat-dapat sa SRA.

Nakikipagtulungan din ang DOH sa Department of Budget and Management upang maibigay ang pondo para sa mga benepisyo ng healthcare worker at pagkuha ng medikal na suplay.

LATEST

LATEST

TRENDING