DOT nananawagan para sa mas murang RT-PCR test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa mga laboratoryo na ibaba ang presyo ng RT-PCR testing upang hikayatin ang maraming tao na maglakbay at mapabilis ang pag-ahon ng industriya ng turismo.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang test ay nananatiling hindi abot sa badyet ng mga biyahero ngunit ang pagbaba ng singil ay maghihikayat ng paglalakbay nang hindi isinasakripisyo ang panuntunang test-before-travel.

I brought this up with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) because a slash in the cost of RT-PCR tests would encourage more travelers to pursue their travel plans,” sinabi ni Romulo-Puyat nitong Biyernes.

Maliban sa pagpapalakas ng turismo, sinabi ni Romulo-Puyat na ang hakbang na ito ay makakatulong din sa pagbabalik ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na kinakailangang sumailalim sa naturang panuntunan sa kanilang pagdating.

Sa ilang mga high-end na pasilidad sa medisina, ang halaga ng isang RT-PCR test ay mula PHP1,500 hanggang PHP5,000, habang ang IATF-EID ay nakatanggap ng mga reklamo na ang ilan ay sumisingil ng hanggang PHP10,000.

Sa kasalukuyan, ang presyo nito sa mga pribadong laboratoryo ay PHP5,000, at PHP3,800 naman para sa mga pampublikong laboratoryo.

Tiniyak ng DOT na ang pagbaba ng presyo sa RT-PCR test ng mga pasilidad sa kalusugan ay hindi magreresulta sa mga parusa, na binabanggit rin ang Department of Health at Trade and Industry.

Nanawagan din si Romulo-Puyat sa Research Institute for Tropical Medicine na pahintulutan ang higit pang mga pasilidad na maaaring magsagawa ng mga saliva-based RT-PCR test bilang karagdagan sa Philippine Red Cross (PRC).

If more hospitals and laboratories are certified to conduct saliva tests, this cheaper alternative will be more accessible to the public and will be recognized by more LGUs in their entry requirements for local travelers. But needless to say, the facilities conducting such tests should be thoroughly screened. We defer to DOH in addressing this concern,” sinabi niya at binanggit ang PHP2,000 saliva test sa PRC.

Bukod dito, patuloy na tumatanggap ang ahensya ng mga kwalipikadong manlalakbay na nais na samantalahin ang kanilang subsidized na RT-PCR test sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Nasa 41,000 turista ang nakakuha ng tulong mula sa PCMC at UP-Philippine General Hospital mula pa noong nakaraang taon.

LATEST

LATEST

TRENDING